"Ikaw at Ako" na minsang pinaglaruan ni Kupido

in #poetry7 years ago (edited)

Source

Una. Unang beses pa lang akong nagmahal ng ganito.
Pagmamahal na tila'y ilang libong taon nang nabuo.
Ikaw ang unang lalakeng pinili ng puso ko.
Ikaw rin ang unang taong nakaintindi sa aking pagkatao.

Dalawa. Dalawang bagay lang ang parati kong ipinagdarasal.
Sana gabayan ka parati ng poong maykapal.
At ana hindi ka magsasawa sa pagmamahalan natin.
Mahal kasi kita kaya ikaw parati ang laman ng aking panalangin.

Tatlo. Tatlo sa aking mga bagong kaibigan ang sumporta sayo.
Tatlo rin sa kanila ang salungat sa gusto ko.
Puso at isipan ko ay parating nagtatalo.
Mahal, kamuntikan na talaga akong sumuko.

Ngunit apat. Apat na beses kitang napanaginipan.
Alam mo bang apat na gabi rin akong luhaan?
Apat na oras bawat gabi akong tulala.
Nag iisip kung sino, saan, bakit at paano.

Lima. Limang beses kong pa ulit ulit na sinaktan ang sarili ko.
Puso't isip ko ay parating nagtatalo.
Nalilito na ako at hilong-hilo.
Dapat pa bang manatili o oras ng sumuko?

Pero anim. Anim na araw simula ng gabing yon.
Maniwala ka man o sa hindi, ikaw ay napatawad ko.
Mahal kita at mamahalin kita ng mas buo at mas kumpleto ngayon.
Kasi alam ko. Naniniwala ako. Na hindi mo na sasayangin ang chansang ito.

Pito. Pitong beses kong inedit ang tulang to.
Hindi kasi ako sigurado sa mga katagang ginamit ko.
Gusto ko sanang mas maramdaman mong galing to sa puso ko.
Kahit pa alam kong di mo rin naman babasahin ang likha ko.

Walo. Walong beses kong tiningnan ang larawang aking naitago sa ilalim ng kama.
Naghahanap ng insperasyon para tapusin ang tulang nasimulan na.
Isa isa kong tinitigan at alala natin ang aking nakikita.
Mahal, gustong gusto ko sanang ibalik ang panahong nagdaan at nawala na.

Siyam. Siyam na beses na pala tayong sinubok ng tadhana.
Mula sa "hindi ka gusto ng friends ko".
Hanggang sa "ayaw sa 'kin ng parents mo."
Pero hindi ka sumuko diba? Ikaw ang naging lakas ko diba?

At sampu. Huling numero sa countdown ko.
Sana'y nagpapahitawig ng katapusan ng kalungkutan at paghihinala.
Hindi tayo perpekto at sa ngayon marami ang hindi nakakaunawa.
Ganun paman, alam kong hindi ito ang makakatibag sa "ikaw at ako" na nabuo sa minsang napaglaruan ni kupido.

Source

Lubos na nagmamahal,
@nikkabomb

Sort:  

Ay lahi raaaa, kabahan na ang Kita- Kita! Hihihi yo da one again @nikkabomb! 💕💪

inspired by Kita-kita jd ni @namranna. hahaha ty sa support nam. wavyuu mwaah

Parang Kita Kita lang. Hehe. Love it! Good job!

Inspired by Kita Kita nga ito @gerel. hehehe. Thankiss :*

Kaya nga eh, galing mo. Hehe

Salamat @gerel. Minsan kasi mas mabuti pang ilabas ang ating nararamdaman sa pamamagitan ng tula. hihihi buti nlang at nagustuhan mo ito @gerel.

Heheh.. ou nga eh, kesa magmukmuk at ma depress. Of course, literature lover din ako eh.

Oh i see. We both have a common then. <3

Ang ganda nya!
Steem ON!

thanks :)

steem on!

Slow kaayu kog filipino, but this is beyond amazing! @nikkabomb ❤❤❤

OMG! Thanks @luijii. Grabe imung effort, ayeaah. labyu mwah

Hala! 😍😍💔😢😭

why? hahaha

Nice pero sad pero nindot jud sha HAHAHA! maoyay 😅

hahahaha salamat.

luh. 😂 bugal bugal ay 😂

chareeeeeeeeeeeeeeet <3 choya ani oy.

i'spoken poetry gani ta ni nako she through Dtube. But maybe next time na lang kay wa pakoy editor hahaha

@nikkabomb, maraming makakarelate nito.

@annjadeadubo, ikaw rin? haha which part? hahaha

di ako hahha.. mga kaklase ko dati. @nikkabomb

ah hahaha akala ko ikaw eh. haha

Deep pala si Ma'am!

Hahaha. Di naman po masyado sir @dioncrediblehulk 😊

I can't believe poetry is in your genes! Haha. God bless and keep this up. :)

Hahaha you can't believe jd hahaha thanks @caratzky.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.20
JST 0.036
BTC 94745.85
ETH 3468.48
USDT 1.00
SBD 3.48