Poetry #5 - AYOKO NA!
Sa bawat pagdurugo ng puso kong sugatan
Pilit kinukubli ng labi kong pagod na pagod na
Bawat patak ng luha ng kalungkutan
Sambit ng damdamin ko'y Ayoko na
Ayoko na!
Ako'y napapagod na!
Alam naman ang katutuhanan pero bawat walang ginagawa
Bakit ba labis na nasasaktan
Kahit wala namang karapatan
Hindi ko alam pero ako'y hiyang hiya na
Ba't walang ginagawang paraan
Ayoko na!
Ako'y pagod na pagod na!
Araw araw kong pinilit hindi lumingon
pero araw-araw ko silang nakikita
Kanilang kamusmusan kinuha ng panahon
Nanglilimos sa daanan, sarili la'y ma-iahon
Isang di makitang bukas, pagsisi ng kahapon
Ayoko na!
Ito'y husto na!
Tingnan ang luha sa mga matang tumatawa
Kabataa'y pag-asa sana ng bayan
Pero ba't nilamon na ng kamunduhan
Kinain na ng sistema lahat ng kanilang kahinaan
Ayoko na!
Tama na!
Ako lang ba ang nakakakita o sadyang nagpapakabulag ka
Mundo mo kasi sa sarili lamg umiikot
Gustong malaman ng lahat nadarama mong lungkot
Para bang sa lahat ikaw nalang ang may natitirang hugot
Pero Tama na!
Hindi lang ikaw ang may problema
Generasyon nating sira sira na
Pero sarili mo parin ang iyong inuuna
Gumawa tayo ng paraan
Bigyang sagot ang nasira nilang daanan
Hindi nato para sa pansiriling kapakanan
Ngunit para sa buhay ng karamihan
Humayo ka na kapatid
At tumingin tingin ka sa palagid
Gusto ko sana'y iyong mabatid
At bigyan pansin ang mensahe na aking hatid
Sa kanilang paghihirap
Sa kanilang kamunduhan
Sa kanilang pagsisikap
Makita lang ang kasagutan
AYOKO NA!
Other Poetry Work:
Poetry #1: Labimpitong Taon!
Poetry #2: Am I Doing it Right?
Poetry #3: Satisfying the Unsatisfied
Poetry #4: Kumusta Ka Kaibigan?