Taguan ng Damdaming Naghihinagpis

in #poetry3 years ago

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan,
Pagbilang ng tatlo, nakatago na…
Nakatago ang ano? Ang alin?
Ang nararamdaman ko sayo?

Lagi naman e! Lagi nalang!
Ikaw ang taya, ako’y hahanapin
Nasa harap mo na,
Iba’y iyong hinahanap.

Hindi mo ba nakikita’t nararamdaman?
Sabagay, pilik mata’y nasa harap at di makikita
Ganun ba yun at madali sayo ang humanap ng iba?
Balewala ang pagtagal ng pusong tumatangis.

Nakakapagod! Oo, napapagod na ako!
Pagod na akong itago lahat sa iyo.
Di mo ba talaga nakikita’t nararamdaman?
Para ako’y makapaglisan na sa larong itong

Taguan ng Damdaming Tumatangis

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62170.06
ETH 2415.65
USDT 1.00
SBD 2.65