Filipino Poetry: "Panaginip"

in #poetry6 years ago

images.jpeg
Image Source

Panaginip


Ako'y nasa palakad-lakad
Sa hardin ng pag-ibig,
Kung saan naghahalimuyak
Ang nagagandahang mga bulaklak.

Sa aking paglalakad,
Ika'y aking nakita't parang ikaw din.
Ika'y naglalakad tungo sa'kin
Dala-dala ang naghahalimuyak na bulaklak

Dito sa hardin ng pag-ibig,
Ako'y lumulundag sa saya.
Lalo na't nalaman kong may minamahal ka.
Tumatalon ang puso ko sa tuwa't pagmamahal.

Ngunit sa iyong sinabi,
Ako'y nagising sa katotohanan,
'Di pala ako yun at iba pala,
Na kung saan nasa likod ko lang siya.

Napasampal ako sa sarili ko,
Lahat ng kasiyahang 'yon ay nawala
Panaginip!
Panaginip lang pala ang lahat.

Sobrang sakit!
Ang sakit sakit ng aking paggising.
Sa katotohanang 'di ka akin at,
Sa panaginip lang pala ika'y akin.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60268.51
ETH 3201.96
USDT 1.00
SBD 2.43