BUHOS NG ULAN - A Filipino Poetry
BUHOS NG ULAN
Sa pagbuhos ng malakas na ulan,
Mapaisip ka sa mga pangyayaring lumisan.
Maaari ang hatid nito'y ngiti o lungkot,
Ang mahalaga na hindi nag-iiwan ng poot.
Sa lakas ng bugso ng hangin,
Tila ba kaysarap nito na palaging damhin.
Gaya ng mga awiting masasaya,
Kahali-halinang pakinggan sa tuwina.
Sa mga landslide at matitinding pagbaha,
Parang bumabalik ang mga sakit at pagdurusa.
Mas mainam na pagbaha ng swerte ang isaisip,
At mga kaiga-igayang bagay nitong kalakip.
Sa mga nararanasang samu't saring sakuna,
Lindol, bagyo, sunog, mga peligrosong pangyayaring nakababahala.
Maihahalintulad ito sa buhay na meron tayo,
Palaging maging handa, mapagmatyag at alerto.
Bagamat ang buhay ay hindi natin kayang mahulaan,
Dapat lang mamuhay na may kabuluhan.
Hindi sa angking yaman ang labanan,
Ngunit ang kabutihan sa puso ang maging sukatan.