"Agos Ng Buhay" - A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Agos Ng Buhay"

images (10).jpeg
Photo credit: https://goo.gl/images/xqeyU5

Sa aking pagmulat sa katotohanan ng buhay,
Ito'y maihahalintulad sa iba't ibang kulay.
Pula, berde, asul na kulay ay kay saya,
Itim ang kulay na di kaaya-aya.

Sa pag-agos ng daloy ng buhay,
Kay daming pagsubok ang siyang ating taglay.
Sa mga pinagdadaanang problema at pagdurusa,
Hindi maiiwasan na tayo ay mapaluha.

Sa pagsibol ng bawat bahaghari,
May kakaibang sigla na di mawawari.
Mapaisip sa mga ala-alang magaganda,
Karanasang inaasam palagi sa tuwina.

Sa paglipas ng panahon at oras,
May mga bagay din na kumukupas.
Mga pangyayaring pinaghihinayangan,
Subalit ang buhay ay talagang ganyan.

Sa awiting gulong ng palad,
Buhay ng bawat tao ay maihahalintulad.
Minsan sa itaas, minsan sa ibaba,
Ang mahalaga mapanatili na maging mapagkumbaba.

Pasasalamat ang aking palaging sambit,
Sa mga biyayang bigay na walang kapalit.
Sa Poong Maykapal, ang aking laging hiling,
Buhay na puno ng pag-ibig kung saan pamilya ang aking kapiling.

images (11).jpeg
Photo credit: https://goo.gl/images/9yJ3Xf

Maraming salamat sa oras na ibinibigay sa pagbasa. ( Thank you for reading.)

Sana ay natuwa kayo sa aking tulang orihinal na nilathala. Lubos ang aking pasasalamat sa @steemit at kay @jassennessaj dahil sa kanyang mga komposisyon sa wikang Filipino naibalik ang aking sigla sa pagsulat ng maiikling tula. Itong komposisyon ay salamin sa buhay ng isang tao. May mga masasayang yugto at malulungkot na kabanata. Pero kapit lang kaibigan dahil kaya natin ang agos ng buhay.

Sort:  

Laban lang sa buhay.
Mabuhay ka!

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.21
JST 0.037
BTC 98347.06
ETH 3416.93
USDT 1.00
SBD 3.34