"Mahal Kita Ina" - Tagalog Poetry

in #poetry7 years ago

Hello po steemians 👋. Ngayon gusto ko lamang ibahagi ang tulang ginawa ko para sa mga dakilang Ina, at para sayo ito mama😊

"Mahal Kita Ina"

images.jpg
source

Ang tulang to ay iniaalay ko sayo
Babaeng di nagsawang mahalin ako
Nag-alaga, sumuporta buong buhay ko
Ina, para sayo tong gawa ko

Inalagaan mo ako simula pagkabata
Inalagaan pa rin kahit ako ay matanda na
Kahit na binigyan kita ng sandamak-mak na problema
Umaangat parin sa'yo ang iyong Pusong Ina

Alam ko hindi madali ang iyong pinagdadaanan
Sapagkat dugo't pawis ang iyong inilaan
Todo-kayod di baleng walang laman ang tiyan
Upang panganga-ilangan ko'y iyong matustusan

Ngayon paghihirap mo'y nagbunga
Salamat dahil Buhay ko ngayo'y naging maayos na
Oras na para suklian iyong mga ginawa
Oras na para ako naman ang magsilbi sayo O aking Ina

Sa lahat ng Ina, maraming salamat po
Salamat sa inyong pagmamahal at mga sakripisyo
Taglay ng isang Ina dyan kami sumasaludo
Mahal po namin kayo, at sobrang mahal kita O inay ko

pXlfrSnsQ5d9R8_5HctRbYKkcKK8iugjmlSOMQ2ZlhqwsX3aDYBxLy6lXt40uSAGtwhz5-dHFqgpGXZV_ORyQvi7nUGlaziSE3DgFS308ev_-qRM9Ms_DwUBLt44ILZS2n2R7JfMaBosl5sGB09l8sQSajVXAXy_cbBysg=w324-h324-nc.jpg
source

Maraming salamat po sa pagbabasa 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 66050.37
ETH 2629.02
USDT 1.00
SBD 2.68