Kay Haba Pa Ng Kalsada, Hanggang Dito Nalang Ba? : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Kay Haba Pa Ng Kalsada, Hanggang Dito Nalang Ba?"

received_1995125033845875.jpeg

Tatlong taon na tawanan, kasiyahan
Hindi mabilang na tumulong mga luha
At ilang libong Iloveyouhan na nauwi nalang sa
Paalam na aking mahal mag ingat ka

Limang araw ka nang hindi nagpaparamdam
Tanda na yun na para ako ay bumitaw
Ikaw ba ang nagbago o ako?
Minahal kita sa paraang alam ko
Siguro nga hanggang dito nalang
Hanggang dito nalang ang ating nakaraan
Ay magmimistulang alaala na lamang

Mabigat sa dibdib ngunit kailangan ko na
Kailangan ko nang bitawaan ang salitang
Mahal paalam na hanggang dito nalang ako
Hindi ko man gustong palayain ka
Pero ikaw na ang kusang nagbigay
Nagbigay dahilan para bitawan ka

Gusto ko pang kumapit at dugtungan
Dugtungan ang mga tawanan
Ang mga kulitan at asaran
Gustong gusto ko pang maulit lahat
Lahat na kung anong meron tayo noon
Ngunit, napaisip ako na ako nalang pala
Ako nalang ang may gustong maging tayo ulit

Sana tinuruan mo ko kung paano madaling
Makalimot tulad ng ginawa mong paglimot sakin
Baka nga hanggang dito nalang ako
Nagbago kana at di maglalaon magbabago rin ako. Paalam na aking mahal!

Sort:  

Nice poem...keep it up... STEEM ON.

Thank you Maam 😊

Nice poem.
Steem ON!

Take some imaginary @teardrops (Smart Media Tokens)

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.21
JST 0.038
BTC 96726.08
ETH 3680.24
USDT 1.00
SBD 3.87