Pilipinas Ang Lumang Bersyon

in #poetry7 years ago

Pilipinas Ang Lumang Bersyon


AkdangTula #3
Orihinal na Komposisyon ni @joco0820
images.jpg
http://rodeliovizon.blogspot.com/2015/10/bukid.html?m=1

Tiktilaok! Tiktilaok! sigaw ng bawat tandang sa bawat sulok
Habang ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa bundok
Akoy nagising at sa munting pintoan ng kubo akoy nagmukmuk
Hinihintay ang pagliwanag ni haring araw sa boung paligid ng purok

Alas otso na nang umaga maglalaro na naman kami ng tumba lata
Ibabato ang lumang tsinelas sa lata na nasa bilog at nakaapak linya
Pok! Sapol! Takbuhan ang mga pinsan ko dahil latay natumba
Habang si kuya na taya nakaabang kung sino ang papalit sa kanya

Pagkatapos ay mag iisip na naman ng ibang mapaglilibangan
Luksong Tinik na naman ang aming naisip at napagtripan
Pinagpatong ang nakabukang kamay at paa ng aking pinsan
Talon ng malakas upang mataas na toring kamay malagpasan

Uuhawin at magpapaligsahan maunang tumakbo sa may sapa
Iinom nang tubig upang uhaw na nadamay mapawi at mawala
Aakyat ng mangga upang matuwid ang nagmamaktol na bituka
O kayay magpuputol ng tobo at sisipsipin ang matamis na sanga

Mayamayay tatawagin ni nanay upang ang alagang hayop ay mapakain na
Magtatabas ng sanga ng puno at damu para sa mga kambing at sa baka
Dahan dahang gagatasan ang kambing at baka habang nagpapahinga sila
Nang ang nakuhang gatas ay malako ni tatay sa palengke at nang magkapera

Sa dapit hapon ay muli na naman maglalaro sa may bakanteng lote sa bakuran
Tagu-Taguan maliwanag ang buwan wag magtago sa kadilim-diliman
Kantang maririnig habang sinasabayan ang paglubog ng araw sa kanluran
Habang ang ibay dahan dahan tumatago para di makita ng taya na si pinsan

Sa aming hapunan magpipitas ng mga gulay sa aming bakuran
Talong na aming tanim, kunting gisa lang ay pwede ng pagsaluhan
Samahan mo pa ng daing na may suka at kamatis sa hapagkainan
Tiyak bitukay matutuwid, mabubusog at tiyak lalaki ang kalamnan

Mayamaya pag nabusog na ay sa labas magkukumpol kumpol
Uupo na pormang bilog sa damuhan kasama sina utol
Magkukwento ng katatakutan kasama na ang paring ulo ay putol
Ngunit magtatawanan dahil sa takot ang nagkukwentoy nauutol

Simpli at payak na pamumuhay ay masayang tunay
Walang masyadong gulo walang masyadong away
Kasamang maninirihan sina kuya ate nanay at si tatay
Sa kapatagan sa gitna ng kabukiran kami ay namumuhay ng matiwasay


Ang tulang ito ay tungkol sa simpling pamumuhay sa bukid. Dito kung saan wala pang masyadong polusyon. Kung saan wala pang masyadong gadgets at hindi pa masyadong uso ang teknolohiya. Kung saan ang bawat bata ay malayang nakapaglalaro sa bakuran nila. Isinalaysay sa tulang ito kung gaano ka sarap manirahan sa bukid kung saan malayang nakakapitas ng prutas sa bawat bakuran na paminsan minsan nalang natin makikita ngayon.

Kay sarap naman talagang balikan kung ano ang Pilipinas noon. sariwang hangin at sariwang pagkain. Saan may makikita pa akong mga batang naglalaro sa bawat sulok ng kalya at nag lalaro ng mga larong pinoy.

 UPVOTE |   RESTEEM | FOLLOW

Sort:  

Congratulations @joco0820 your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

Wow ang lakas maka throwback! Saktong sakto Thursday ngayon. Sayang di ka nakasali sa patimpalak ni ate @romeskie paniguardo matutuwa yun dito.

Ang ganda! Napa-throwback tuloy ako ulit.

Congratulations @joco0820! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - Russia vs Croatia


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

@joco0820 you were flagged by a worthless gang of trolls, so, I gave you an upvote to counteract it! Enjoy!!

Congratulations @joco0820! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 104398.23
ETH 3283.49
SBD 4.06