"Tahanan" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Tahanan"


Umaga hanggang gabi puro ako trabaho
Kumakayod para ang pamilya ay umasenso
Nag o-overtime para mas lumaki ang sweldo
Para sa mga kapatid ako ay makasustento


Hindi biro ang maging isang panganay
Hinaharap ng mga kapatid sayo nakasalalay
Mga pangangailangan nila'y pilit maibigay
Wala naman kasi mahal ko silang tunay


Ngunit wala lahat pag nakauwi na sa tahanan
Makasama ang pamilyang aking pinaghuhugutan
Ng lakas kaya ako'y ganadong-ganado sa buhay
Dahil alam kong marami sa akin ang nakasalalay


Ibang lebel ang saya kapag ako'y nasa tahanan
Sa mga kapatid puno ng kulitan at harutan
Kay mama na walang tigil and kwentuhan
At kay lola na punong-puno ng aral ang usapan.


Nawa'y sana ito'y inyong nagustuhan :)

Photo is from Pixabay

Sort:  

Napakagandang tula! Ako'y naantig! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 68542.93
ETH 2454.71
USDT 1.00
SBD 2.54