"Pinagkaitan Ng Tadhana" : A Filipino Poetry
"Pinagkaitan Ng Tadhana"
Ang tadhana sa aking mga sinapit.
Hindi naman ako nagkulang pagmamaneho
Sa manubela ng isang mapaglarong mundo..
*Oh kay lupit naman ng sangkatauhan *
Mga pangarap ay ginawaan ng paraan.
Na mabagsak at tuluyang mabunggo
Sa hatol ng tagilid at bwakaw na puno
Kaysakit, tulad ko'y "Pinagkaitan ng Tadhana"
Mga tao'y malupit at mapang-alipusta.
Gahaman, sakim, at hindi pantay sila
Piling-pili ang taong kanilang pinagpapala.
Mangyari sanang kayo ay magkaproblema
At maranasan kung gaano kapait ang inyong husga.
Sa ganyang bagay nyo siguro matututunan
Na sa tadhana kayo ay pinagkaitan.
(Maliit lang ang mundo)
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
What's "bwakaw"?
In this world there are trials and as long as you can move and find the courage to hold on to the steering wheel that life lets us hold you will never lose your way. This is life and it is really unfair. It is tagalog and it is really awesome.
that's really nice post. i like it. thanks for sharing post.
nice 1 galing nyo po.. mahilig din po ako sa poetry halos lahat po ng post ko about poetry at hugot pero d ko po kaya ung mga kagaya ng sa inyo anlaki po ng kinikita ng post nyo ako po hirap pa kahit sa isang SBD manlang....huh huh huh