"Ala-Ala" : A Filipino Poetry
"Ala-Ala"
Tayo'y pinaglaruan ng panahon
Nagkakilala sa di inaasahang pagkakataon
Ngunit humantong sa maling direksyon
Nung una, akala ko'y palaging masaya
Humantong lang pala lahat sa "Ala-ala"
Ang saya'y napalitan ng sakit
Ang tuwa'y napalitan ng hinanakit
Bakit ba pinaglaruan ng tadhana?
Bakit ba? Bakit nga ba tayo pa?
Hindi ba pwedeng masaya palagi?
Hindi ba pwede ito'y maging lagi?
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :
and Here are my English Poetries
Hanggang sa Muli
Photocredits : 1