"Aalagaan Kita" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Aalagaan Kita"

images.jpeg


Di kita lubos maintindihan
Kung bakit ka nagkakaganyan.
Dati ikaw ay napakasigla
Ngayon napakalumay na

Dahil ba iyon sa isang tao?
Taong di mo ba makasundo?
Ugali ba ay di masasanto?
Bakit di mo 'yon matanto?


Kung ganun man ang ugali niya
Hindi ka dapat pang mag-alala.
Nandito ako para sayo ipaalala
Di dapat ginaganyan ka nya.


Narito ako, oh aking sinta
Andito ako "Aalagaan Kita"
Hinding-hindi kita iiwan
"At Hinding-hindi ka Bibitawan".


images (7).jpg


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

Jassenn

Photocredit : 1 2

Sort:  

thanks for your information, I am very fond of and useful to me. Thank you very much

Nice poetry... Talent jud lage sir, way ilad.

WOW ANG SWEET NAMAN, "Aalagaan Kita"

I need to translate it, but nice Filipino Poetry.

Ang saya naman po makapagbasa ng isang tula sa sariling wika dito sa steemit. Damang-dama ko ang emosyon sa inyong tula. Tuloy, biglang namotivate ako na sumulat din ng isang tula gamit ang wikang pambansa. Mabuhay!

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 93863.56
ETH 3421.99
USDT 1.00
SBD 3.30