MOVE ON : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

“Move on" salitang nagsilbing sukatan

Sa katatagan ng mga pusong sugatan

Pinagpalit ng walang dahilan

Hindi masagutan ang tanong kung paano,bakit ,kailan at saan

Paano ko tatanawin ang bukas

Relasyon natin bigla nalang nagwakas

Paano ko ibabalik ang aking lakas

Kung ikaw na pinagkukunan ko ay tuluyan ng kumalas

Bakit ngayon pa na ako ay nasanay

Makinig sa boses mong napakaingay

Panghawakan lambot ng iyong mga kamay

Na ngayon lumilihis na sabay sabing "goodbye"

Kailan mo pa naisipan itong lahat

Na sa pagmamahal mo hindi ako karapat-dapat

Ang mga ipinakita ko hindi pa ba sapat?

Iiwanan mo lang ako nitong napakalaking lamat

Saan bang banda ng ating istorya

Ako nagkamali at bumitaw ka

Saan ba ako nagkulang?

Na pakilala na pa nga kita sa'king magulang

Move on, napakahaba ng paglalakbay na ito

Mahirap matanaw ang dulo

Ngunit sisimulan ko sa pagbilang ng isa, dalawa, tatlo

Paalam na mahal ko.

Thanks for reading!

If you do have comments or suggestions or questions about my poem,
please feel free to comment down below. I would really appreciate it. :)

Photo credit 1 2

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 94671.46
ETH 3337.00
USDT 1.00
SBD 7.50