Hikbi Ng Steemiang Pilipino: Mga Sentimiyentong Walang Saysay Kung Iisipin Mo

in #poetry7 years ago

sentimento
pixabay

Hindi naman ako eletista ng Steemit, may elitista ba sa Steemit?
Lalong hindi naman ako nag-i-invest sa Steemit, walang pang-invest. e,
biruin mo wala kang gagawin kundi MAGMINA NG KAISIPAN, may kita ka na!

Walang rin akong super laking Steem Power na puwedeng lapitan ng mga nangangailangang Minnow,
kahit anong gawin ko mahal ang SP, mahina ang kita, walang saysay ang post ko kung walang mag-upvote,
naisip ko tuloy, kung pagmina ng kaisipan ang Steemit, marami naman ang nag-isip sa isnulat nila,
naisip ba ng may malaking SP ito at i-upvote sila? O, talagang wala lang, kailangang dikit ka sa kanila
para may biyaya ka mula ulo hanggang paa ng iyong posts!

Oo, sa tingin ko, kung sino lang gusto nilang i-upvote paki naman nila sa iba,
teka, puwede ka namang magpakilala sa isinusulat mo kung may obra ka, meron nga ba?

Hindi naman din ako naiinggit sa mga upvote na iyon, di naman ako salat sa pagsulat,
ano bang klaseng pagsulat ang gusto nilang ilagay ko sa Blockchain, sulat paawa,
sulat pagkaaba, ano nga ba ang dapat nasa blockchain, ha? Cryptocoin? Nakakaumay na ang mga ganyang post!
Paki ko nga naman sa ganoong tipo ng post, ay, oo nga tama nga naman.

Madalas ang hikbi ng Steemiang Pilipino ay kung paano magsu-survive sa Steemit,
araw-araw ganoon ang eksena, araw-araw ganoon ang problema!

Maraming sientimiyentong, balido, imbalido, walang saysay kung iisipin mo,
wala nga bang saysay, sa tingin ko wala, e, bakit pa nga ba ako nagsusulat kung walang saysay?

Ewan, siguro magkaiba ang mahilig sa pagsulat kaysa KUMITA sa pagsusulat.
O, basta kagroup mo si ganito at ganun ayos na ang upvote mo, safe na, ika nga!

Sa palagay ko hindi na kayang isustine ng may mga malalaking SP
ang pag-upvote mula sa baguhan hanggang sa dati ng miyembro.
Kasi unti-unti nang nababawasan ang kita sa nakararami, maliban nga kung type ka ni balyenang kumita!

Ang tags ay gasgas nang gamitin, kasi sa dami ng gumagamit, nakakasawa na ring tingnan,
pero ang mga balyena, tulong lang sa gustong tulungan at kung kasama ka sa paper trail?
Anak ng pating curation tail ba iyon, pang-administratibong tugaygayan? Ewan!

Hanggang sentimiyento na lang ang karamihang Steemiang Piliino, at pasensiya na,
tila mababaon tayo sa ganoong uri ng sistema, sistemang may pinipili? Malay ko, baka nga, ewan!

Marahil, parang eksklusibo pa ito sa kung anong grupo ang makapangyarihan, doon ka,
pero huwag ka meron din silang aligaga sa loob ng kanilang bakuran, lahat naman meron niyan!
Ang tulungan nila ay para rin sa kanila lang, sa una lang ang kanilang tulungan, hanggang doon lang,
mas higit at nakalalamang ang magsidhing paghimod ng upvote ng kanilang post
na wala naman ding halos ipinag-iba sa ginagawa na ng nakararami!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg

Sort:  

good post excellent

hay sana english I can't understand well

Ganda ng mga mensahi mo👍😁

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.24
JST 0.034
BTC 96335.91
ETH 2788.63
SBD 0.67