A Filipino Poetry: “Larawan”

in #poetry7 years ago

6F8A4A2E-B3E3-449F-B14A-B8A039F12504.jpeg


Sa isang magulong mundo, doon tayo simulang magkasundo
Milyong-milyong mga tao, dito tayo ay pinagtagpo
Mundo na kung saan libo-libong magkakaibigan
Ito rin ang mundo kung saan marami ang nag-iibigan

Araw-araw, mahigit isang daang larawan ang aking nasisilayan
Ngunit sa hindi inaasahan, litrato mo ay aking napusuan
Noong ako ay napansin mo, unti-unti na akong nahuhulog saiyo
Sa pamamagitan lamang ng isang komento, ang isang magulong mundo ay biglang nagbago


Ika-labing apat ng Pebrero, hinding-hindi ko malilimutan
Halos ‘di namalayan, walong oras na pala tayong nagkukulitan
Lumipas ang mga araw, tayo’y biglang nagkaaminan
Ang ating mga puso’y tugma pala ang nararamdaman


“MAHAL NA KITA” Labing-isang letra, yan ang binitiwan mong salita
Agad kitang pinaniwalaan sapagkat ikaw ay tunay kong pinagkakatiwalaan
Tayong dalawa ay nag umpisang mag sumpaan
Sabay natin ipanalangin ang pag-ibig na walang hangganan


Ika-labing anim ng Marso, hawak ko na ulit ang baso
Ang laki ng ating pinagbago, ngunit ‘eto ako, nakakapit parin sa’yo
Alak ang nagsisilbing gamot sa pusong sugatan.
Mga pangako mo parin ang aking pinanghahawakan


Yosi ang nagsisilbing ilaw sa madidilim na mga gabi
Hinahanap-hanap ko lagi ang iyong matamis na mga labi
Init ng ating pagmamahalan ay biglang lumamig
Inaamin ko, hanggang ngayon ikaw padin ang tanging bukambibig


Ngiti ay biglang bumalik nung araw na natanggap ko ang iyong liham.
Agad na sinundan ng mga luhang pumapatak dahil ikaw ay nagpapaalam.
Sa labing-isang letra, gumunaw ang aking mundo
Mga letrang nagsasabing “TAPOS NA TAYO”


Muli kong nasilayan ang litrato ng aking iniidolo.
Wala akong masabi, hindi ako kumibo, may kasama ka na palang bago.
Ang iyong pagmamahal sa isang katulad ko ay bigla-biglang naglaho
Ngunit isang bagay lang ang nasa isip ko, sa giyerang ito, alam kong ako ay talo.


Paalam mahal ko sapagkat ako’y susuko na.
Puso ko’y sa wakas ay makakapagpahiga na.
Mahirap sumabak sa giyerang walang dalang sandata
Ang tanging panlaban ko lang ay ang salitang “MAHAL KITA”


Photo credits:
https://www.google.com/amp/s/www.parhlo.com/dont-cry-like-a-woman-if-you-cant-stand-your-ground-like-a-man/amp/?source=images

Upvote >> Comment >> Resteem

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 105682.70
ETH 3324.82
SBD 4.12