"Pag-ibig ng Ina": My Filipino Own Poetry.

in #poetry7 years ago

"Pag-ibig ng Ina"

Ang pag-ibig ng Ina ay talagang kakaiba
Binibigyan ka palagi ng halaga,
Ang kabutihan mo ang tanging hangad
Kaya't ikaw ay sobrang mapalad

Pinapakain ka at ina-aroga,
Buhat ng pagmamahal sayo ng iyong Ina.
Kahit minsan ikaw ay pinagbuhatan
Para lang matama ang iyong kamalian.

Nagsakripisyo at ginawa ang lahat ng paraan
Para lang mabigyan ka ng mabuting kinabukasan.
Kahit minsan man ay ikaw ay hindi naging magalang at halang
Tinatanggap ka parin ng buo ng iyong magulang.

Kaya't kung siya ay mawala
Lagi mo siyang ina-alala
Paano ang mabuhay kung wala na ang Ina
Lalo na't hinahanap-hanap mo ang kalinga ng Ina.

Mahalin ang Ina
Dahil siya ay nag-iisa
At tanging taong gagabay
Sa lakbay ng iyong buhay.

I LOVE YOU SA AKING PINAKAMAMAHAL NA NANAY

Visit my blog to view my own poetry :)

https://steemit.com/@garnan1111

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 95998.58
ETH 3366.61
USDT 1.00
SBD 3.92