"Hindi naka Move-on": A Filipino Own Poetry

in #poetry7 years ago (edited)

Hindi naka Move-on?

images.jpeg

Sa pagwawakas ng ating pag-ibig
Ay kasabay ng paguho ng aking dibdib
Di matanggap ang iyong pagkawala
Mga mata'y laging lumuluha

Simula noong akoy iyong hiniwalayan
Nag-iba ang aking kalagayan
Napuna ng aking mga kaibigan
"Bat kaba nagkaganyan?

Aking na aalala
Mga larawan nating dalawa
Noong mga panahon na tayo ay magkasama
Na laging nakatawa

Akala ko naka move-on na
Pero nandun parin pala
Ang sakit at kirot na nadarama
Kailan pa kaya ako magsasawa?

Alam kung masaya kana sa piling ng iba
Pero gusto kung malaman mo na mahal parin kita kahit ang sakit sakit na
Ako ay hindi na aasa na ikaw ay babalik pa
Balang araw darating din ang panahon
Na ako ay tuluyan ng naka MOVE-ON

Ang tulang ito ay para sa mga taong hindi matanggap ang kawakasan ng kanilang pag-iibigan. Mga taong sobrang nasaktan dahil sila ay nawalan. Kaya palagi nating tatandaan hindi natin alam ang takbo ng panahon ang tangi nating alam ay ang panginoon ay may kanyang rason kung bakit nagkaganun. Wag mawalan ng pag-asa dahil kahit kayoy wala na hindi pa oras ng katapusan kaya patuloy lang dahil ang panginoon ay laging nandyan na patuloy kang ginagabayan.

Here are my poetry

https://steemit.com/poetry/@garnan1111/aking-diwata-a-filipino-own-poetry

https://steemit.com/poetry/@garnan1111/aking-diwata-a-filipino-own-poetry

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.20
JST 0.038
BTC 97158.43
ETH 3589.50
USDT 1.00
SBD 3.86