"Bakit Ganun?": A filipino own poetry based in my own True Story

in #poetry7 years ago

Bakit Ganun?

May isang tao akong pinahahalagahan
May isang tao na ayaw kong pakawalan,
May isang tao na aking pinag-iingatan,
May isang tao na hindi ko kayang saktan

Isang taong lage kong ginagabayan
Isang taong hindi mawala sa aking isipan
Isang taong lage kung pinagmamasdan
Kung ok lang ba ang kanyang kalagayan

Ang taong gusto ko nang pakasalan
Ang taong gusto ko na palagi sa aking harapan
Pero bakit ganun ? Ang taong ito ay hindi ako kayang ipaglaban?

Ang hapdi ng aking nararamdaman
Di lubos mawala sa aking isipan
Pilit ko nang ibingit ang sarili sa kamatayan
Ano ba itong natamo kung kamalasan?

Ang bulong sa aking isipan
ay Ok lang yan
Ngunit pilit ko mang tanggapin
Ito ay masakit padin sa damdamin.

Kaya't gusto ko lang ipaalam
Na hinding-hindi ako magpapa-alam
At sana iyong maunawa-an ang sakit ng aking nararamdaman
Sana darating ang panahon
Na handa mo na akong ipaglaban.

Ang tulang ito ay karanasan ko sa totoong buhay kung saan kahit ginawa ko na ang lahat ay parang hindi parin sapat. Diba't ang sakit isipin at ang hirap tanggapin na malaman mong hindi ka nya kayang ipaglaban sa kanyang pamilya. Ang tangi kong inaalala na sana darating ang araw na handa na nya akong ipaglaban sa kanyang pamilya. Kaya sana sa mga taong nakabasa sa tula kung ito sana inyong tuonan ito ng pansin at bigyan ninyu ako ng magandang payo para naman ma himasmasan ang sakit at kirot na aking nararamdaman.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 95549.51
ETH 3352.09
USDT 1.00
SBD 4.37