"gamo-gamong ligaw
Mula sa madilim at malayong tanaw
Isang sinag ng Liwanag ay kumakaway
Parang galing sa langit na bulalakaw
Gusto kitang hanapin na kahit pa maligaw
Sa aking paglipad sa gitna ng kabukiran
Sa loob ng munting kubo ikaw ay nagisnan
Sa parisukat na bintanang kawayan
Matatanaw ang iyong kagandahan
Nagbibigay ka ng liwanag Sa buong kabahayan
Ako ay lumapit at ramdam ko ang iyong init
Akala ko kaya kung sayawan nagbabagang init
Sa bawat haplos ng kamay ko ay napakainit
Sa bawat lambing ko paso ang kapalit
Ako ay saglitang lumayo upang ako ay magisip
Paano ko ba yayakapin ang sinag na mainit
Panu ako tatagal sa apoy na iyong gamit
Kung ang buhay ko ay malalagay sa bingit
Tila walang makalapit Sa nagdadarang mong init
Ako'y magiipon tyaga na may kalakip na pagibig
Yayakapin kita ng lambing at ibayong pagtitiis
Upang matagalan ko ang apoy ng iyong pagibig
Na kahit kaisaisang buhay ko pa ang kapalit
-makatang singkit
oil on canvass
12"x12"
Marlon ponsoy