Filipino Poetry #6: Ang Sayaw
Sumulong ako.
Umatras ka.
May ngiti sa 'yong labi,
Ngunit tumatakas ka.
Wari ko'y nais mong,
Habulin kita.
Walang sawa.
Walang patid.
Sa bawat kendeng, sa bawat indak,
Ay lalo lamang akong,
Nalalango sa pananabik,
Na mahuli ka.
Malapit na akong mapagod.
Hinahabol na aking hininga.
Hindi pwedeng sumuko.
Ang premyo ay abot-kamat na.
Ang iyong indayog ay kahalihalina.
Ang pangako ng kaligayahan,
Ay tila malapit nang matupad.
Para kang usok.
Na hindi mahawakan ng aking mga kamay.
Nandiyan ka sa malapit.
Pero ako'y hanggang tingin na lang.
Susuko na ako.
Saka ka naman naghihintay.