FILIPINO POETRY : "hindi ka lang ilaw ng aming tahanan "

in #poetry7 years ago

hello guys! good evening .. ito po ay isang tula tungkot sa ating ina .. kasi mother's day noong sunday kaya po ito po ay isang magandang tula para sa lahay ng mga nanay .. hope hindi pa ito late .. :)

"Hindi ka lang Ilaw Ng aming Tahanan"

Nay, hindi ka lang ilaw ng aming tahanan--
Ikaw 'yong daanan,
pintuan patungo sa tagumpay.
At sa iyo namin unang naramdaman,
At maaring naintindihan,
na ang bawat naming kamalian
ay hinuhubog mo ng pagmamahal.

Nay, hindi ikaw ang aming sandata--
ikaw 'yong nagbigay ng mahiwaga naming hininga,
na bumubuhay sa buong pagkatao namin 'di ba?
Nay, hindi ikaw ang aming mahiwagang walis,
Na sa tuwing may kalat ay gan'on mo na lang kabilis--
Alisin ang lahat ng dungis,
pagkakamali, at lahat ng gusto pang mawangis.

Nay, hindi ikaw ang aming uniporme,
na sa umaga'y gigising kami
upang kumain at natural na ikaw na naman ang magsisilbi.
Kaya naalala ko pa noong ayaw mong masugatan ang mga balat kong iyong inalagaan,
Na ngayo'y wala akong ingat na pagmasdan at tignan ang gawa ng dakilang ina sa sanlibutan.
Na kung paano mo na lang kami pagsabihan--
"Papunta pa lang kayo, pabalik na ako",
na sa mga salitang ito pala'y may nakatagong liham,
ng mga sakripisyo at determinasyon.

Sapagkat sino bang huhubog sa amin na hindi dapat namin 'to ipaputol?
Na ang tanging pagmamahal mo lamang ang magbibigay sa 'min ng hatol,
na dapat ay huwag sumuko,
sapagkat nand'yan ka lang handang tumulong.
Nay, hindi ikaw ang sangkap o kagamitan sa kusina,
na kung paano ka magluto ay ganoon mo ibinibigay ang lahat ng sarap.
Na kung paano ko hugasan ang lahat ng pagod mo
sa lababong ito,
ay ganoon lang din ang hirap na nararanasan mo.

Nay, ikaw sa huling pagkakataon--
hindi ikaw ang aming lakas.
Sapagkat ikaw ang taong nand'yan sa bawat baba at taas.
Ikaw, ang nagsisilbing awit,
na kahit marindi pa kami sa tinis
ay patuloy pa ring kakabisaduhin.
Kahit na gaano kalakas o kahina,
kabilis o kabagal--
Patuloy pa rin naming aalahanin
na sa 'yo una kaming nagka-asal.
Humiling sa may kapal,
Nagdasal na sa bawat pagkakataon ay maibabalik din namin ang nabawas mong dangal.

Nay, ngayong araw ng mga dakilang tulad mo,
nais ko lang na malaman n'yo,
na kahit kami'y ganito,
hinding-hindi namin nakakalimutang d'yan sa sinapupunan n'yo una kaming sumuko at patuloy na mangangako.
Na ang tulad kong anak,
ay hindi lamang yaman o hirap ang katapat.
Kundi ang tulad mong Ina na bubuhay sa 'min ng sapat.

THANKS FOR STOPPING BY GUYS!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.19
JST 0.033
BTC 91239.44
ETH 3087.28
USDT 1.00
SBD 2.81