''Tatlong Yugto ng Pag-ibig" the teardrops of love. FILIPINO POETRY.

in #poetry7 years ago

good afternoon everyone . ito po ay isang tulang napakaganda.. sa simula napakasarap magmahal na para bang hindi na ito kukupas. na para bang tayo ay nasa kalangitaan .. napakasaya ng pakiramdam , pero minsan pag itoy naglaon unti-unti na tayong nasasaktan at nauuwi sa matinding kasakitan at kalungkutan.. :( :( *please read and enjoy guys!

"Tatlong Yugto ng Pag-ibig"

Sa unang yugto, ika'y nakilala
Hindi maalis ang paningin nung una kang makita
Hindi maalis sa puso ang paghangang nadarama.
Bakit ganito?
Hindi maintindihan ang kabang nadarama
Sa tuwing ikaw ay lalapit ako'y natutulala

Ito na ata ang sinasabi nilang Love at first sight
Ganito pala ang pakiramdam,
Para akong lumilipad at hindi alintana ang height
Feeling ko ikaw na si Mr. Right
Gustong gusto kang makita
Pero para akong timang na kapag nandyan ka na ay nagmamadaling umalis na animo'y mahuhuli sa flight.
At sa tuwing nakikita kang ngumiti ng sobrang bright,
Hinihiling na sana,
Sana magustuhan mo rin kahit slight.

At sa ikalawang yugto ng pag-ibig,
Dito ko naramdaman,
Ang pakiramdam na di ko malaman
Pinaghalong saya, lungkot, takot, kilig
Ngunit nasisiguro kong saya ang lamang na nararamadaman,
Saya na sana'y walang katapusan

Hanggang ngayo'y di parin makapaniwala
Ang dating pinapangarap,
Ngayon ay akin ng nakakasama
At ngayon sa akin ay nagpapasaya.
Sana'y hindi magbago
Pagmamalal na pinadarama
Sapagkat hindi ko kakayanin
Kapag sa akin ikaw ay mawala.

Ngunit hindi inaasahang,
Hahantong sa ikatlong yugto.
Tila unti-unting dinudurog itong puso
At hiniling na sana'y huminto na lamang sa ikalawang yugto.

Masakit. Napakasakit isiping ako'y nabiktima mo
Pinaniwala sa pagmamal mo,
Pinaniwala sa mabulaklak na lumalabas sa bibig mo,
At hindi man lang namalayan na ako pala'y iyong ginago.

Ginago mo ang inosenteng puso
Na walang ginawa kundi ibigin ang isang tulad mo,
Ginago mo at walang awang sinaktan itong pusong patay na patay sayo.

Sana sinabihan mo man lang na ito'y isang laro
Para naman nasakyan ko ang mga trip mo
At hindi nasasaktan ng ganito
Dahil masakit, sobrang sakit sa pakiramdam ng maloko
Napakasakit isipin na ang taong minahal ko ng sobra,
Ay mag-iiwan ng napakalaking sugat sa aking puso.

24300984_903399863162752_7237501667381107082_n.jpg

thanks for stopping by guys !

PLEASE UPVOTE , FOLLOW , AND RE-STEEM.

GOD BLESS!

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 68144.21
ETH 2432.74
USDT 1.00
SBD 2.54