Pangalawa: A middle child poem (Filipino)-unfinished
Sa tatlong magkakapatid pinakamahirap ang maging pangalawa
Kung alam nyo lang ang pakiramdam ng nasa gitna
Sa tuwing kukunan litrato ikaw ay laging may pangamba
Kase daw yung nasa gitna yun daw yung nauuna
Di lang ako pinanganak na pangalawa
Pati na rin sa pagmamahal at atensyon, pangalawa
Yung pakiramdam mo wala kang kwenta
Na makikita ka lang nila kapag wala yung dalawa
Kaya di mo masisi kung bakit nagiging itim na tupa
Eh kase ang pakiramdam mo anak ka ng puta
Lam mo yun? Yung pakiramdam mo ikaw ay ampon?
Na pag tiningnan mo yung gamit ng dalawa sagana?
Tas yung sayo puro mana?
Yung bago ka paboran kailangan mo munang paghirapan?
Pero pag iba, isang hiling lang ibinibigay na
Yung pag may inutos kay panganay, ikaw yung inuutusan
Kapag naman ang bunso ay may kasalanan ikaw yung pinapagalitan
Masakit din pag may event yung kapamilya tas ikaw lang nakapunta…
Laging tanong nila , “ba’t ikaw lang? asan yung iba?”
Sobrang sakit sa pakiramdam kahit di nila sadya
Na yung presensya mo para sa kanila parang balewala