Lihim na Liham

in #poetry7 years ago

letter.jpg
Ikaw ang kaligayahan ko
Ang nagsisilbing ngiti
At nagbibigay kulay
Sa buhay ko

Kumbaga para kang
Kape ko sa umaga
Unan ko sa gabi
Di ako kumpleto
Pag di kita nakatabi

Ako’y sumasaya
Pag nakikita kita
At pag nag uusap tayo
Lumukso puso ko

Pag iniisip kita
Naiisip ko ang bukas
Kase gusto ko andun ka
Hanggang sa aking pagtanda

Di ko naman hinangad
Ang matamis mong “oo”
Kase alam ko naman
Na kaibigan lang tingin mo

Pero gusto kong gumanti
Kase lagi mo kong pinapangiti
Gusto ko ang saya na dulot mo
Ay maipinta ko rin sayo

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 95470.30
ETH 3313.37
USDT 1.00
SBD 3.15