PUSONG NASAWI: (TULA #9)
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga
Isang araw, naisip na naman kita
Isang araw mong ginulo ang isipan ko
Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo dahil
Isang araw, biglang iniwan mo ako
Iniwan mo ako... at mula noon
Ilang araw akong wala sa sarili
Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan at kung bakit ako'y hindi mo pinili
Ilang araw na nagbabakasakali an ako'y iyong babalikan
Ilang araw na patuloy na umaasa sa mga pangako mong napako sa kawalan
Isang tanong na gumugulo sa aking isipan
Isang tanong na hindi masagot nino man
Isang tanong na hindi ko makalimutan
Isang tanong na wala naman talagang kasagutan
Isang tanong, "Mahal bakit mo ako iniwan?"
Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan
Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan
Hindi pinapansin kapag nasisilayan
Ang trato'y parang estranghero lang sa daan
Bakit parang ako lang ang nasasaktan?
Bakit parang ako lang ang nahihirapan?
Bakit parang ako lang nagmamahal?
Bakit ako lang? Bakit?
Nang iwan mo ako, nawala ang tayo
Nang iwan mo ako, ang natira na lang ay ako
Mali pala, kasi pati ako ay nawala noong nawala ka
Nawala ang dating ako na kayang mabuhay noong mga panahong wala ka pa
Pagod na pagod na ako sa lahat ng sakit
Pero ang pagmamahal ko para sa'yo Mahal
HINDI PA RIN NAUUBOS
Thank you @hr1 for upvoting my post. God bless you!
Salamat po sa mga tulang ibinahagi mo sa plataporma na ito. Patuloy sa iyong ganap at ikaw ay pagpalain ng ating Panginoon.
Maraming salamat Bb. @mercy11 sa iyong napaka gandang komento.