Bakit?

in #poem3 years ago

Maraming kaganapan sa mundo,
Di maintindihan kung bakit ganito
Kay dami ng tanong sa isipan,
“Bakit?” pa rin ang sasagutan.

Bakit?
Kung kelan ako’y nahuhulog na sayo,
Tsaka sa ere ako’y iniwan mo,
Punong-puno ng sakit.

Bakit?
Hindi mo ba nararamdaman?
Minamahal kita kailanman,
Di mo nakita sa mga mata mong nakapikit.

Bakit?
Maraming lalaki sa mundo’t ikaw pa?
Anong meron sayo at nakakabaliw ka?
Puso’t isipa’y nabibiyak sa mga tanong na namimilipit.

Nangako ka’t pinaniwalaan ko,
Pero bakit mo pinutol?
Pangako’y parang sumpang ginawa mo,
Mabihag ang puso ko’y lahat tumututol.

Pero ngayon?
Ako’y napapatanong dala ng sakit na dinadala,
Kung bakit ka umalis ng ganon?
At nag-iwan ng masasaya’t nakakasakit na alaala.

Bakit? Bakit? Bakit?
Bakit ba ang tanga ng puso ko?
Pagod na akong magtitiis sa sakit,
Na dinala mo sa buhay kong to.

Maraming tanong,
Pero bakit ang gusto kong masagutan mo.
Paano masagot ang mga ‘to?
Kung wala ka naman sa tabi ko.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62170.06
ETH 2415.65
USDT 1.00
SBD 2.65