Violet Quill : Tula ng Pag-ibig

in #poem7 years ago (edited)

pexels-photo-207962.jpeg

Tula ng aking pag-ibig, iyong dinggin
Tanyag na makata'y di kakalabanin
Nais lang ihayag ang aking damdamin
At gano ako kaswerteng ika'y akin

Walang label, ganon ang ating simula
Dahil sabi ko sayo'y di pa ko handa
Tumanggi noong ika'y manliligaw na
Kahit nanghingi ng permiso kay mama

Masuklian o hindi, ika'y sumugal
Sa walang kasiguraduhang pagmamahal
Ngunit kalauna'y tawagan ay mahal
Hanggang sa naging tayo na aking mahal

Ako ay palagi mong pinapasaya
Lumuha ma'y dahil wagas ang ligaya
Kinikilig sa matamis mong salita
Haplos sa puso mong mga ginagawa

Salamat mahal sa bili mong kahapon
Tula ng pag-big ang akin ngang tugon
Ako na rin ang uutangin ang ngayon
Makasama lang kita buong maghapon

Sort:  

Congratulations @iayempabilando! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

You can upvote this notification to to help all Steemit users. Learn why here!

That's a wonderful picture, it shows you've a good taste by artworks.

Oh, thank you !

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 97817.79
ETH 3421.47
USDT 1.00
SBD 3.12