HALAMAN (TULA)

in #poem7 years ago (edited)


O halaman halaman! Aking natatanging tanim
O kay rami ng peste at ugat na kay lalim
Mga insekting nanakit, o tunay na matalim
Maramdaman mo sana ang natatangi kong lihim.

O halaman naalala ang aking mahal sa ilalim ng iyong dahon
Naramdaman ang pag-ibig niya, sa pag balik ng panahon
O huwag mo sana ipadama ang sakit ng kaniyang itinapon
O ang patay kong puso sana iyong maiahon.

Dati rati ang pag ibig nami'y masagana
Kung paano mo man ito sabihin, ito'y tunay na masaya
Naibigay ng lumipas na pagibigay ang tunay na ligaya
Matamis na ngiting bunga tulunyang naglaho na.

Mga dating pagkakataon pangarap na maibalik
O kung maibabalik ang araw, hinihiling ko nang makipagtalik
Para sana'y hindi ka na nawala parang patabang isiniksik
Sa lupang nag dala ng masaganang halaman na ngayon mabahong amoy ang hinahasik.

O halaman magbigay kasama ng bagong bukas
Sa mga tao kagaya ko na humihingi ng lakas
Para sa susunod na may magpaluha at magpamalas
Ako ay tatayo, magtatagumpay at hindi na luluha ng malakas.

PhotoCredit:
https://pixabay.com/en/ecology-environment-garden-2985781/

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 104713.56
ETH 3299.62
SBD 4.59