Pag-Ibig na Tunay: Anak para sa Ina (Tula) PART 2
(My sister in law and little nephew)
Patuloy kong hawak ang iyong kamay, sa aking paglalakbay
Baon ko ang lahat ng iyong kalinga inay
Tungo sa aking inaasam na tagumpay
Mahal kong ina, ikaw ang aking buhay
Marami mang pagsubok na haharapin
Ika'y nariyan upang ako'y kalingain
Sa araw-araw, hindi ko sukat akalain,
Ika'y nariyan gumagabay palagi para sa'kin.
Madalas ako ay pasaway, ngunit pasensya mo'y singhaba ng tulay
Di mo iniinda pagod na iyong ramdam, o inay
Iba ka sa lahat, kalakasan mong taglay
Para sa iyong anak, pagmamahal na walang kapantay
Mananatili akong, sayo'y maging tapat
Lahat ng karanasan, kasama kang dapat
Upang matunghayan, ang iyong anak na inspirasyon sa lahat.
Di ka iiwan, hanggang sa aking pag angat.
Lahat ng pangarap, sisikaping matupad
Ako'y patuloy bawat hakbang at lakad
Upang matuto, naghahanda sa unang paglipad.
At upang maging handa kasabay ka, saan man mapadpad.
@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness
by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in
"surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Thank you as always sir @bobiecayao for your non-stop support to all of the members of steemunity!
Amazing poem about the LOVE of the mother to her children. Thank you for sharing. followed you hoping to hear more stories about your positivity and good energy. keep steeming. and keep sharing the goodness in you. Truly you are a symbol of courage and hope. Have a great day.
Very overwhelming. Thank you sir!
you deserve a positive compliment from crafting such a wonderful poem. salute you for that. Your very much welcome.
Very Beautiful 💜💜💜💜
thank you:)