PowerUp Post: Ano ang mga dapat gawin para makuha ang atensyon na gusto sa steemit! (Things you should do to get the attention you want in steemit!)--A guide post written in Filipino.steemCreated with Sketch.

in #pilipinas7 years ago

images.png
source

Mahigit isang taon na ako dito sa steemit. Marami na akong nakitang mga steemian na naghahanap ng mga paraan para ang kanilang mga ibinabahagi sa plataporma ay uusbong at sisikat. Kaya para sa akin, kahit sinong steemian ay kayang maiangat ang kanyang gawa at makakuha ng magagandang tugon sa iba. Ngunit paano nila ito ginawa at anung mga pamamaraan ito. Halika at basahin natin ang mga sumusunod na sa tingin ko ay magpapaunlad sayo dito sa steemit!

Ang pagiging okay lang, ay okay na!

images (47).jpg
source
Wag mong ihalintulad ang gawa mo sa ibang tao at wag na wag mong tignan yung sayo na mas maganda kaysa sa iba. Ibigay mo sa kanila ang pananaw na sa tingin mo ay yun ang nararapat. Hayaan mo silang mag desisyon sa kung maganda ba ang gawa mo o hindi.

Kung gusto mong makakuha ng maraming boto galing sa ibang steemian, dapat ay maganda ang yunh likha. At ibig sabihin sa maganda, ay okay na! Hindi lang ito maganda sa bumabasa, kundi naghahayag ito nga mga magagandang impormasyon. Yung gawa na mabibigla ang ibag bumabasa dahil ito ay maganda at karapat dapat na ibahagi sa iba.

Wag mong gawin ang mga nagawa na ng ibang steemian. Maging kakaiba sa lahat ng 250,000 mahigit na steemian na gumagamit sa steemit. Dapat mong maipahayag ang konteksto na ikaw at ikaw lang ang may alam at may paraan para maipaalam sa iba.

Ipakita ang emosyon na naaayun

images (48).jpg
source
Wag mong bakuran ang sarili mo. Para makuha ang atensyon ng ibang steemian, lalo na yung mga malalaking steemian, dapat mong makuha ang kanilang magusto at maibahagi ito sa kanila at ibang tao. Kahit yung mga bagay na sasalungat sila sa opinyon mo ay puwede mong gawin, dahil kung sasalungat sila, ibig sabihin interesado sila sa gusto mong ipahiwatig at ipadama sa iba.

Ang pamagat ng iyong gawa ay isa sa mga humahatak ng mga mambabasa at dapat mong pagtuonan ito ng pansin. Hikayatin mo sila sa pamamagitan ng mga emosyon na nasa iyong pamagat. Hindi man ito nakiita, ito ay dapat nadadama ng mambabasa.

Sa huling banda, bumabasa ka sa artikulo na ito. Kahit na yung ibang steemian ay hindi naniniwala sa iyo, ang emosyon na kanilang nadarama ang pumupukaw sa kanilang pagkamausisa sa mga bagay na sapat para mapahalagahan ito.

Ang maganda at kakaibang pamagat na may emosyon ay sapat na para ang isang steemian ay magkaroon ng interest kung anu ang nasa likod ng ganitong pamagat.

Takdang oras at panahon

images (49).jpg
source
Minsan nakakaligtaan natin na kahit anung haba at ganda pa ng sinusulat natin ay posible parin itong mabalewala ng iba. Alam mo kung bakit? Dahil bilog ang mundo. Oo, ang umaga sa atin ay gabie o tanghali o kinaumagahan ng iilang steemian. Kaya naman minsan may mga gawa tayo na hindi napapansin ng iilan dahil pinopost natin ito sa maling oras na kung saan gising ka nga, yung iba naman ay tulog pa o kakagising palang.

Mahalaga ito sa ating mga Pilipino dahil wala tayong whale dito. At higit sa lahat nauuna tayo ng ilang oras sa Amerika, na kung saan pinakamarami ang mga gumagamit ng steemit. Kaya kung mapopost ka ng mga gawa mo sa umaga, asahan mong maliit lang ang nakakakita ng gawa mo dahil natutog pa yung iilan, maliban sa mga naaadik na sa steemit.

Maliban sa tamang pagpost ng gawa sa oras na naaayun, ay ugaliin ring gamitin ang oras na kenakailangan para makapost ng mga gawa na hindi lumalagpas sa rami na puwedeng ipost.

Mag-promote ng mga gawa mo sa internet

images (50).jpg
source
Ang mga gawa mo ay hindi tatangkilin ng iba kung hindi nila ito nakikita. Nakakalito diba, ang ibig kong sabihin ay may mga steemian na hindi nanghahalungkat ng mga artikulo sa steemit, kundi sa labas ng steemit. Ang iba ay nasa facebook parin at doon naghahanap ng mga magagandag gawa na pinopost ng iilang steemian. May iba rin na may mga kumunidad na binubuo na sa Discord App lang makikita o sa steemit.chat. Kaya ugaliin mo ring mag promote ng mga gawa mo sa mga social media na ito.

Basta umayun ka lang sa mga patakaran na ipinapatupad ng mga kumunidad na yan, hindi ka magkakaproblema at makukuha mo ang atensyon na ninanais mo. Iwasan mo ring mag spam kasi hindi ito nakakatulong bagkos ito a nakasasama sa iyonh imahe.

Sa pagpromote naman sa facebook, hulihin mo ang kiliti ng mga mambabasa na gusto mong makuha. Kahit hindi sila nkakapagbigay ng boto sa mga gawa mo, sapat na yung malaman nila na may steemit na para sa lahat. Hindi mo lang naipopromote ang gawa mo, pati na ang steemit at ang kabuuhan nito.

Maging updated

download (1).jpg
source
Kung ang bagay ay bago palang, ito ay magandang gawan ng artikulo na iilan palang sa steemit ang nakakaalam. Alamin ang mga bagay na araw-araw nagiiba at ibahagi ito sa steemit. Sa ganyang paraan, may regular kana na maipopost sa steemit at masusubaybayan ng iba.

Maliban sa mga bagay na nag-iiba sa araw-araw, ang iyong sarili ay puwede mo ring gawan ng araw-araw na update. Ang mga karanasan mo sa araw-araw, mga ginagawa mo na kakaiba at mga pangyayari na gusto mong gawin sa hinaharap ay puwedeng puwede mo ibahagi sa steemit. Gawin mong facebook ang steemit! Ngunit ang steemit ay hinding hindi magiging facebook!

Gumawa ng bago

images (51).jpg
source
Wag kang umupo sa parehong upuan ng paborito mong kainan. Wag kang umuwi sa iyong bahay na ang rutang dinadaan ay pabalik balik lang- baka ikay manakawan at maholdap!

Ang gusto ko lang maiparating sa inyo ay wag kang pumermi sa mga bagay na ginagawa mo. Halimbawa, sa pag gawa ng mga artikulo, ugaliing iba-ibahin ang format ng iyong gawa na naaayun sa paksa na iyong pinupunterya. Ugaliin rin na ang paksa ay magkakaiba at hindi paulit ulit na lang ginagawa.

Kung gusto mo talagang makuha ang atensyon nga mga malalaking steemian sa steemit, mag experimento ka. Gumawa ka ng bagay na hindi pa nagagawa o mga bagay na imposibleng magawa ng isang steemian.

Pantapos na salita

Salamat at umabot ka dito. Ang katotohanan ay wala talaga siguradong artikulo na aangat sa iba o palaging aangat sa bawat gawa nito. Ngunit kung susundin mo ang mga nakasaad sa itaas, matatamasa mo ang atensyon na gustong gusto mong makamit at ang gantimpalang matagal mo nang ninanais.

Maraming Salamat!

"best of time"

Sort:  

Mahusay na pagkakagawa. May tanong ako ukol sa oras ng pag-popost na nabanggit mo. Pwede mo bang ibahagi ang oras na nauukol?

Mas maganda na target po ay 12am to 2am. at 8 am to 10 am ng umaga. :)

salamat sa'yong artikulo, sigurado akong makakatulong ito saming mga bago... yun po bang oras na nabanggit mo'y oras ng Pilipinas?

Opo. Walang anu man! :)

Salamat ng marami :)

Galing! gusto ko lang din idagdag, tumulong sa mga bagong steemit user na mapalago ang kanilang account katulad na lamang ni @surpassinggoogle dahil dito mas magkakaroon ka ng interaksyon sa baguhan at mapapalago ang mga sumusubaybay sayo. Nice article! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.21
JST 0.039
BTC 97652.91
ETH 3729.32
SBD 3.91