Ika Animnapu't Limang Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago



Kamusta mga Katropa!

Pagpasensyahan nyo na po at medyo delayed kami sa pag-a update ng arawang curation. May kalakasan ang ulan dito sa amin at kapag malakas ang ulan, sympre nagbabaha. Kailangan rumaket ng mabilisan bilang bangkero para may maipambili ng gusto ni Nene. Nagiging mapili na siya nitong mga nakaraang araw. Pero sigurado naman ako na di ako hahabol sa Father's Day nag-iinarte lamang sya


Ito po si @toto-ph ng @tagalogtrail na maghahatid sa inyo ng mga akda na aming naibigan sa araw na ito.


Ang Paborito kong Ala ala: "Kasama si Lolo Jose sa bukid"

images (28).jpeg

Pinagkunan ng larawan

Ito ay ang entry ni teacher @andrewjohntamban sa patimpalak ni ate @romeskie #paboritongalaala. Dito ibinahagi niya ang kwento ng kanyang lolo at ang ang mga bagay na na mi miss sya sa tuwing magkasama sila noon. Mula sa pagkain at paglalaro.


Mahika ng Sining

received_1724958207591374.jpegreceived_1710810965672765.jpeg

Dapat ma feature ang tulang ito! Ayun ang una kong nasabi nung nabasa ko ang likhang ito. Mahusay ang daloy ng ideya ( para sa akin lang naman iba-iba tayo ng panlasa sympre) na sa unang linya palang ay ma hu hook ka na. Mapapa sangayon ka sa kaniyang winiwika na sa bawat linya, kulay at tono ( may tono din sa pagkukulay ) ay may mahikang binubuo. Na bawat mga matang titingin iba ang magiging paliwanag at mararamdaman ng mga kritiko. Basta ganun! Mahirap mag explain pa. Maganda ang tula at dapat ma feature tapos


Ang Paborito kong Alaala | "Naaalala Ko Pa..."

Image result for Batang 90's words
Pinagmulan ng imahe

Kahit Miyerkules palang ay naka throwback Thursday mode na agad si ate @julie26. Ibinahagi niya ang mga laro na mayroon siya noon. Simula sa mga manyikang papel, piko at patintero. Dito inalala niya ang mga panahong bata pa siya at wala pang masyadong iniintindi sa buhay maliban sa paglalaro. Kay sarap talagang balikan ang mga panahong iyan!

Ayun po! Ito ang mga post na aking naibigan ngayong araw na ito. Hindi man ito mabulaklak katulad ng kay @lingling-ph pinilit ko parin namang maging medyo kwela ngayon. Hahaha salamat po sa pagbabasa at pagtangkilik ng aming munting report.

Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.

Sort:  

This post was shared in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.21
JST 0.036
BTC 97583.14
ETH 3481.73
USDT 1.00
SBD 3.45