Kwentong Katatakutan Sa Pilipinas, Totoo Nga Ba?
Tayong mga Pinoy ay mahilig sa mga kwentong bayan o kwentong matatanda tulad ng mga kwentong kathang-isip, mga alamat at katatakutan. Marahil dahil ito ay nakalakihan na natin. Pero ang pinakamabentang kwento sa lahat ay kwento ng katatakutan. Kahit saanv parte naman siguro ng mundo ay sikat ito. Kanaya kanya man ng istorya, ngunit iisa lang ang nais nitong ipabatid. Ang manakot. Ilan lang sa mga sikat na kwento ng katatakutan sa Pilipinas ay ang kwento tungkol sa mga barang, mangkukulam, manananggal, kapre, duwende, 'white lady', mga tiktik, aswang at marami pang iba. Mayroon din namang kwento ng mga babaeng nakaitim, pugot na ulo, paring namatay at mga ligaw na kaluluwa ng sundalong namatay noong panahon ng giyera.
Ang pinakasikat na kwento ay ang kwento ng babae sa Balete Drive. Sinasabi na dito sa lugar na ito namatay ang babae at patuloy na naghahasik ng lagim dahil hindi matahimik ang kanyang kaluluwa. Ang mga kwentong ito ay maaring mabasa sa mga munting aklat at ang iba pa ng ay ginawang palabas sa telebisyon at nagkaroon ng pelikula. Nakagisnan na natin ito nung tayo ay mga bata pa lamang. Madalas pa nga itong gawing panakot sa atin ng ating mga magulang. Maari nga ba na totoo ang mga kwentong ito? Kung pipili ka ng isa na gusto mong maging totoo, ano ito. Simulan na ang takutan!
image source: pixabay
Wag nalang takutan sir @superdad, dahil takot akong masaktan. jok lang hehehe
Hugot sir ah hehe
Congratulations @superdad! You received a personal award!
Click here to view your Board
Congratulations @superdad! You received a personal award!
You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!