Buhay sa Saudi 5 : Noong Naaalala Ko Pa Lahat.

in #pilipinas7 years ago (edited)

Bago ko tinanggap ang trabaho ko dito sa Saudi, sabi ng nginterview sa akin, "malapit lang dito sa airport". Kaya gumaan din ang loob kong puro kaba at takot kasi alam kong ang strikto ng lugar na ito. Buwan ng Pebrero taong 2013, unang apak ko sa bansang ito. Ang lamig, mahangin pala. Hindi ko inaakalang may tinatawag din silang 'winter' season. Kaya parang natuwa narin ako kasi ang lamig walang wala sa Pilipinas.

Ang malapit na airport pala ay umabot sa 4 na oras na byahe. Grabe naman un, akala ko sa disyerto na kami dadalhin ng driver na sumundo sa amin. Para nalang din akong nasa Manila tapos naisipang umakyat ng Baguio. Madaling araw pa naman yon. Wala akong makita ni isang poste ng ilaw. Wala rin akong napapansin na nakakasalubong na mga sasakyan. Sobrang bigat na ng dibdib ko sa takot at kaba. Nakadagdag pa iyong pakiramdam na ihing-ihi na ako pati ang kasama ko. Ang hirap iexplain sa driver na naiihi na kami at kailangan na namin ng banyo. Hindi siya marunong mag-english, hindi naman kami marunong mag-arabic. Hanggang sa alas tres na ng madaling araw nasa daan pa kami, nagtawag na ng salah(dasal nila). Kaya dumaan siya sa mosque, doon kami nakakita ng banyo. Ang banyo nila ay hindi kagaya sa pinas na inidoro. Meron silang tinatawag na arabic CR. Wala kang uupuan doon. Para ka lang umuupo sa hangin.

Alam ko na lahat ng babae dapat nakasuot ng abaya(itim na damit nila) pero hindi ko alam na sa lugar na pinuntahan ko ay isa sa pimakastriktong lugar. Bawal lumabas ng hindi nakatakip ang mukha.Akala ko basta nakatakip ang ulo at buhok ay pwede na. Hindi pa pala. Kailangan pati kamay nakagwantes pa, tapos nakamedyas dapat kung magtsitsinelas palabas. Walang kahit na anong parte ng katawan ang nakalabas maliban lamang sa pilikmata at eyeballs😁😂.


Hayan ang ebidensiya. Hindi ko pa masyado alam noon paano magsuot nyan. Pero dapat pati kilay ay natatakpan din.

Walang may alam masyado magsalita ng english. Kahit mga doctor ay nahihirapan din. Lahat ng pasyente, arabic ang salita. Unang araw palang ng trabaho, napaiyak na ako sa hirap ng sitwasyon noong araw na iyon. Pinapagalitan ako ng doktor ko. Hindi ko naiintindihan sinasabi niya pero alam kong galit siya. Kaya kinabukasan noon, lahat ng naririnig kong arabic ay isinusulat ko. Tsaka ko pinapatranslate sa mga senior ko. Kaya sa loob ng isang buwan, natuto akong mag-arabic. Sinikap kong matuto para alam ko kung minumura or pinapahiya naba ako ng doctor ko. hahaha. 'Ana jamilah' (Maganda ako😗)

Walang taxi sa lugar ko. Walang ibang paraan para mamasyal maliban nalang kung ihahatid lang ng mismong driver ng clinic. Bawal kaming lumabas kapag sabado hanggang huebes. Kahit sa labas lang ng clinic ay bawal kami pumunta. Naranasan kong lumabas ng clinic pero isang hakbang lang. Strikto sa Saudi pero mas strikto ang employer ko yata sa lahat.

Hindi ko naranasan ang magpadala ng pera na ako mismo ang pupunta sa padalahan. Pinapakisuyo lang sa driver. May bayad pa. Kahit umorder ng pagkain, lahat idadaan lang sa driver. Kaya madalas nakikikain nalang ako at ayaw ko kasi ng mga niluluto ko.😁

Mabuti nalang at ang bilis ng panahon. Ang bilis natapos ng 2 taong kontrata ko. Mabilis din akong nagpaalam na mag-eexit na ako. Saktong araw ng dating ko, iyon din ang saktong petsa ng alis ko sa Saudi Arabia. Walang mapagsidlan ang saya ko nung makarating na ulit ko ng Pilipinas.

Photo is mine taken with my samsung S2.

Sort:  

Yan ang pinoy. Hindi sumusuko. Laban lang!

Laban kabayan. Kahit nasaan ka man, dapat walang sinusukuan..

Congratulations! You are in our Weekly Featured Authors post.

Welcome to Steemit Philippines. Check out @steemph and join us in discord to connect with other Filipinos on Steemit.


Wooow.. Thank you po.. I'll continue writing.

Can you write or translate this in Arabic?

It can be but not in arabic letters..

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 101903.07
ETH 3676.99
USDT 1.00
SBD 3.21