Buhay sa Saudi 2 : Bawal sa mga Babae

in #pilipinas7 years ago (edited)

Tawag ng 'salah'(dasal) nila ang gumigising sa akin araw-araw. Depende sa panahon yan. Kapag tag-lamig bandang alas-singko ng madaling araw kaya tamang tama lang ang gising kapag morning shift ako. Mahirap kapag tag-init na. Alas-tres palang ng madalaing araw nagsisimula ng magtawag ang hirap makatulog ulit. Nakakatuwa lang isipin na hindi man lahat sa kanila pero karamihan ay babangon at pupunta sa 'Masjid' (mosque) nilang tinatawag. Puro lalaki lang ang pwedeng pumasok doon. Ang mga babae ay sa bahay lang nagdarasal.

Maraming bagay dito sa Saudi Arabia na pabor lang halos para sa mga kalalakihan.

*Una sa lisatahan ay iyong pagmamaneho ng kahit na anong klase ng sasakyan. Striktong ipinagbabawal ito.

*Iilan lang ang restaurant na pwedeng kumain ang babae. Kadalasan take out lang ang para sa amin. Kaya dapat may dalang alcohol palagi para kapag nagutom, sumubo nalang habang naglalakad.😂😂

Pwede rin ganito padeliver nalang tapos kunwaring frappe basta may whip cream mukha ng tunay..hahaha

*Bawal ang malakas na tawa or pag-uusap sa publikong lugar. Para sa kanila ay 'haram'(kasalanan) ito. Pero bakit kapagga lalaki, pwede? ang labo noh.

*Bawal ang makapal na lipstick pero pwede ang makapal na eyeshadow at mascara. Bawal din ang masyadong mabangong pabango. Iba ksi ang dating daw para sa kanila kapag sobrang bango ng babae. Pero bakit hindi nila ipagbawal ang sobrang baho noh?.

*Bawal makipag-usap sa hindi kakilalang lalaki. Minsan kahit kamag-anak mong lalaki ay bawal din. Kaya palaging uugaliing magdala ng 'Iqama' ( ID ng mga non-saudi). Kapag hindi mo naidala at nagkataon nasita ka, huhulihin ka. Ikukulong ka pa.

*Abaya ang tawag sa kanilang national costume. Iyong kulay itim na mahaba kailangan ang suot kapag nasa labas. Kaya kahit nakapantulog kang magshopping,okay lang un.

*Bawal ang nakashorts kapag nakaabaya. Minsan kapag malakas ang hangin, ang abaya umaangat. Kapag nahuli kang nakashorts, huhuliin ka din. Akalain mo noh, sa ibang bansa kahit walanh suot ayos lang, dito kasalanan din ang magshorts palabas.

May mga bagay ay halos lahat ng mga bagay ay hindi papabor sa kagustuhan dito sa Saudi. Pero kailangang sumunod na lang kasi walang ligtas ang kahit sinoman. Kahit pumalag ka, mapapasama kapa.

Photos are all mine taken with my Huawei P9 lite phone

Sort:  

Ang hirap te pag asa arab country ka ano? Ako s UAE. Pero feeling ko , d ganito ka strikto dto. Unlike po jan. 😊 all over the world n ang steemit. 😊😊😊

opo ate. Almost 5yrs n poko dto sa saudi. Mahirap nga..Ngpunta ako UAE for three days grabe,ang layo ng difference jan at dito.

Hello...oo talagang malaking pag kakaiba ng UAE at Saudi , napaka conservative ng saudi ang UAE naman open country.
Medyo may kalayaan ang expatriate na tulad natin dito sa UAE kaysa sa saudi.

Kaya nga eh, ang sarap jan kasi kahit pagod ka or malungkot,pwede kang magliwaliw at mamasyal.. dito kasi, bahay trabaho lng tlga..

Kaya nga po hndi ako mxdo nahohomesick ksi prang asa manila lang din ako dito. Tapos mabait pa boss 😊 biyaya ni Lord .

Thank you Lord.. Bonus ung mabait na boss.. baka kasi mabait din po kayo..🤗😇

Hehe. Syrian po boss ko e. Ok nmn sia. Tska halos puro pinoy din po kawork ko 😊

sa dati kong work, syrian din ang dr. ko.. Mabait din..so far,mababait din mga drs. dto .. un nga lang tlaga, pag ngutom ka at wala ka food.. Dika basta basta din makakalabas😢

Ate keep in touch po.. Add me po on fb hehe. Charmyn santos po name ko. 😊😊😊

Pwede pong mag-post ng tagalog or any dialect. Sabihin nyo po sa mga kasama nyo jan.
Use na tag is pilipinas.
Mabuhay ang mga ofw!

Ay sige po ate salamat po.. Ingat k po palage hehe.. Keep in touch ate huh? Aabangan mo po mga blogs mo pa. Godbless 😊😊😊

Mabuhay po ma'am.. Inaabangan ko din palage mga post mo.. Gaganda ng mga pictures..

Ikaw na ang me Samsung!

Samsung S2.. Hahaha.. S8 na ngayon kaya.🤗

Di pa pwede S8..mauna ka na ate.

Hanggang s2 lang.obsolete na din😁

Hello po. If you want to read my story on how i become ofw and also other ofw's story. Here is the link po. 😊 https://steemit.com/pilipinas/@charmsantos/ang-kwento-ng-mga-bayani

Sis ramdam kita. Konting tiis pa, para sa kinabukasan. Bless u. xx

Godbless you din po.. Tiis ganda nalang talaga palage😃

Upvoted and re-steemed. Sige lang sa ganito ate.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.19
JST 0.035
BTC 92183.93
ETH 3313.90
USDT 1.00
SBD 3.75