Puso o Isip?: Ang pinakamahirap na desisyon sa lahat.
Minsan, dumadating sa punto ng buhay natin na kung saan ay dapat tayong magdesisyon mapasarili man o para sa ibang tao. At ang mas lalong nagpapahirap sa pagdedesisyon ay kung saan, ang puso at isip natin ay nagtatalo, kaya lalo tayong nalilito.
Maraming sitwasyon ang pwedeng pangyarihan ng ganito, pwedeng sa pag-ibig, sa kurso na kukunin kapag magkokolehiyo na, at marami pang iba.
Halimbawa:
Sa pag-ibig,
May dalawang tao ang dumating sa buhay mo, yung isa, yung tao gusto mo na simula pa nung una, na kahit sino pa sya at ano pa sya ay tanggap na tanggap mo ito ng buong puso. At yung isa naman, ay yung tao na para bang nasa kanya na ang lahat; mabait, gwapo/maganda, maasikaso, basta nasa kanya na ang lahat.
At dahil dun, sino ang mas pipiliin mo? Yung taong isinisigaw ng puso mo, o yung tao na isinisigaw ng isip mo?
At sa pagkuha ng kurso para sa kolehiyo,
Siguro karamihan sa atin ang nakaranas/nakakaranas nito. Sapagkat ang puso at isip rin nila ay nagtatalo, magkaiba ang gusto ng puso at isip nila. Ang sinisigaw ng puso nila ay yung "passion" o yung gusto nilang gawin/trabaho, at ang sinisigaw naman ng isip ng iba, ay kung ano ang gusto talaga ng kanilang magulang para sa kanila. Gaya nalang ng napanood kong Bollywood movie, ang 3 Idiots.
Isa rin ito sa nararanasan ko, lalo na't ako'y Grade 12 na sa pasukan, at ako ay naguguluhan pa rin sa kukuhanin kong kurso.
Pero para sa akin, kapag dumating tayo sa ganitong sitwasyon, ang pagdedesisyon, kailangan lang natin sundin ang talagang gusto natin. Gaya nga ng sinasabi ng iba, "You only live once", at ang " Live your life to the fullest".
At kailangan nating magdasal, para mas matulungan nya tayo sa pagdedesisyon at para tayo ay kanyang magabayan.
Sana po ay nagustuhan nyo po itong aking gawa, maraming salamat po! :)
sang ayon ako sayo. ibase mo desisyon mo sa gusto mo para kung magkamali ka man wala ka ibang sisihin kundi sarili mo at may matutunan ka sa bawat pag kakamali. :) Maganda talaga yung 3 idiots, maraming aral.
Tama! 😊
I believe we sometimes need to follow both but when it comes to our happiness its the heart who knows best. But of course it still depends on the person! 😊
That’s right!
bakit hindi niyo po pagkasunduin ang puso at isip niyo. Pag di sila nagkakasundo, may isang nagbubulagbulagan. Its either yung isip o yung puso. Kaya pong idikta ng isip ang false love at kaya naman pong idikta ng puso na lagyan ng pagibig ang paggawa :)
onga pala yung 3 idiots huhuhu ganda❤❤❤
Oo nga, kaya depende na rin sa tao kung ano ang susundin nya.