OFW Diaries: Sa Tuscan Valley (Istanbul 2009)

in #pilipinas7 years ago

Alas nuebe na ng gabi
nilalaro parin ng hangin ang araw
minsa'y napapaidlip na ito
sa makakapal na ulap
ngunit sumisilip parin
ang hangin nama'y may kakaibang hampas
kahit Hulyo palang
nakakanginig na ng labi
nakakamanhid pa ng buto
hinihintay kong matulog ang araw
at sumindi ang naghahabulang ilaw
sa Bosphorous Bridge
makasaysayan daw ito
dahil hinati nya ang Asya at Europa
at ngayong gabi
may concert si 50 Cents
wala akong pakiaalam
hindi naman nya alam
na nabubuhay ako
ang nais ko lamang
ay lagi kong madadaanan
ang malawak na sunflower field
para kasi silang mga inukit na ginto
na sumasamba sa araw
mga matatabang ale
na nagdidilig ng mga namumungang kalabasa
laging nakangiti ang mga biluging
namumulang pisngi
mga tambay na matatanda
sa masisikip na eskinita
na nagkukwentuhan habang hawak
ang tasa ng tsaa
pababa ng pababa na ang araw
nagsasagutan na ang mga kuwago
andito parin ako naghihintay
sa ilalim ng natutulog na olibo.
FB_IMG_1505135910952.jpg

Sort:  

Congratulations @jennyfernandez! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the total payout received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 100693.54
ETH 3647.21
USDT 1.00
SBD 3.13