OFW Diaries: "Para Kay Harry"

in #pilipinas7 years ago (edited)

Ako si Harry
dalawang taong waiter sa Global City
namuti na ang mata ko
sa kakatingin sa sliced tuna
bumabara na sa lalamunan
ang amoy ng kikuman
nangangati na ang mga palad ko
sa kakahawak ng wasabi
kaya naiisipan kong mangibang bayan
sa awa ng Dios tanggap naman
bilang gardener sa isang park
isang buwan ding umiyak si palalabs ko
hindi sa laki ng gastos sa akin
kundi sa pangungulila daw
sagot ko sa kanya
"sayo nalang ako mag salary deduction mahal"
sinagot ang text ko ng walang katapusang
#huhuhu forever
at sa araw ng flight ko
umorder ng maraming pagkain sa airport
hiyang hiya tuloy ako kila ate
at habang ako'y sumusubo
nakatingin si mahal
humahagol-gol pa din.
Aalog alog kami sa eroplano
labindalawang oras daw hanggang Dubai
nakapagresearch na din ako ng konte
Burj Khalifa, Dubai Mall, Burj Al Arab
ah basta kung saan ko gusto
at kung wala pang sahod
makontento nalang muna sa Dubai Creek
nanagangalay maupo ng nag iisip
gusto ko munang maidlip
hanggang lumapag kami sa Chennai
biglang napuno ang eroplano
nanagangalingasaw ang amoy
ang mga hininga nami'y
nagkapalit palit na
ang mga taong umakyat ay halos
walang ligo
at mahilig uminom ng alak
kaya omorder din ako
sabi ko'y isang shot lang
pampatanggal stress
pampahupa ng excitement
dalawang oras pa ang biyahe
ang tagal pang huminga
ng hininga ng iba
gusto ko ng isang shot pa
ng biglang kinabig ni ate ang baso
"uy uminom ka?"
"bawal yan, di ba ng PDOS ka?"
bigla akong natauhan
naisip ko tuloy
ang punta ko ay di lakwatsa
kundi trabaho para sa EKONOMIYA.FB_IMG_1504967057099.jpg
FB_IMG_1504966947833.jpg

Sort:  

Congratulations @jennyfernandez! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got your First payout

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond

what an amaazing works ate , ramdam ko ang hirap ni harry , we all know the life of all the worker like us in abroad ... hopefully we can change the reality.

Correct my dear! We live by the struggles and hardships in working abroad. We sustain our loveones with our absence.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 99772.57
ETH 3596.28
USDT 1.00
SBD 3.10