Paglalakbay sa Dako Paroon ni @shikika -- Ang Ekspedisyon :)

in #pilipinas7 years ago

Naranasan mo na bang maging estranghero sa isang lugar? Eh ang maglakbay ng hindi mo alam kung saan ka patungo? Mahirap diba?

Mahirap pero masaya lalo na kung kasama mo ang iyong mga barkada at pamilya. Gaya na lamang ng imaheng nasa ibaba, kuha ito sa isang paliguan na aming pinuntahan noon. At marahil totoo nga ang kasabihang, "A picture paints a thousand words." kaya kayo na ang humusga. Charot, kitang-kita naman talaga sa aming mga mukha ang saya at pagkagalak.

IMG_20180329_140806_500.JPG

Kaya naman naisipan kong samahan si @shikika papunta sa dako roon. Walang kasiguraduhan kung ano ang maaabutan namin sa aming pupuntahan pero handa kaming harapin anuman 'yon lalong-lalo na ako dahil ako ay laging handa. Rover Scout ata to :) Kaya hali na kayo't atin ng simulan ang orasyon...ay este ang panibagong ekspedisyon pala. :)

Naalala niyo bang dinala tayo ni @sunnylife sa Mt. Krakra sa Bulgaria? Malayo noh? Kaya naman muli ko kayong ihahatid pabalik dito sa Pilipinas. Gusto ko sana kayong ipasyal patungong London kaso may sakit pa si kapitan kaya sa susunod na lang. Hehehe ;)

10524610_789911311071079_3385019050698648677_n.jpg

Dinala kami ng aming mga paa sa isang probinsya malapit sa aming lungsod. Kapatagan at mga pananim na kahit anumang oras ay maaari nang anihin ang nakapalibot sa amin. Maganda at sariwa ang hangin sa probinsya- natatanging katangiang hinahanap-hanap ng mga taong nakatira sa lungsod. Malayo ito sa ingay ng mga bumubusinang sasakyan o maging sa mabahong amoy na nagmumula sa mga pabrika. Sa aming paglilibot ay hindi lamang pala ang kapatagan at mga pananim ang yaman nila roon kundi maging ang natatagong ganda rin ng kanilang karagatan. Puting-puti ang mga baybayin (hindi naman lahat), malinis at talaga namang kanilang pinangangalagaan.

Tanong ko lang, bakit puting baybayin ang tawag eh hindi naman ito kulay puti? Kulay dilaw nga eh, color blind na ba ako? Kapalit-palit na ba ang mga mata ko? Bakit? Nyahahaha

Dahil kami'y napagod ay napagpasyahan naming magpahinga muna sa lilim ng isang malaki at lumang barko.

10448767_782870988441778_8583464320476492927_n.jpg

Lumang barko talaga yan di lang halata. Wait, upload ko mas clear na photo. Buti na lang pala nag cap ako kundi starring ang lola nyo Hahaha

10530669_782868341775376_5501245693092735248_n.jpg

Medyo kinakalawang na ito dahil hindi nabigyang pansin ng may-ari. Kalakip ng pagod ay rinig na rinig na rin namin ang mga nagwewelgang mga bulate sa aming mga tiyan. Gutom na pala kami, kaya naman, kainan na. Bigyan ng seafoods yan lol.

18839044_1545236982195484_5015531137500471296_n.jpg

Gagawin ko pa sana itong entry sa food photography pero baka wag na lang.

Nang makabawi na ang aming mga katawan mula sa pagod at gutom ay napagdesisyunan naming maglibot muli. Meron kaming nakilala't nakakwentuhan at ayon sa kanya ay wag raw muna naming lisanin ang kanilang probinsya dahil ipagdiriwang nila ang isa sa pinakamalaki, pinaka-engrande at pinakamasayang Beach Festival sa bansa ngayong darating na ika-24,25 at 26 ng Mayo nitong taon. Ang aking tinutukoy ay ang "Sarangani Bay Festival o ang SarBay Fest", inaasahan niya ang aming pagdalo.

10537386_783358948392982_6998963174824754015_n.jpg

Noong nakaraang taon kasi ay na postpone ang selebrasyon dahil sa kasagsagan ng kaguluhan sa Marawi at kahit na malayo ang pinangyarihan ng kaguluhan at halata namang peaceful ang probinsya, mas minabuti pa rin ng kanilang pamunuan na ipagpaliban ito dahil mabuti ng sigurado. Pero ngayon ay tuloy na tuloy na ang probinsya sa selebrasyong ito. Ika nga ng pabebe girls, "Walang makakapigil sa amin." Handang-handa na ang lahat para sa taunang pagdiriwang na ito na dinadaluhan ng libu-libong mga turista, sa loob o labas man ng ating bansa. Malay mo dito mo pala makikilala ang poreber mo HAHAHAHA..

10570513_782859548442922_8426310140306893105_n.jpg

"Nais naming makisaya sa inyo subalit di namin maipapangako ang aming pagdalo dahil pagkatapos dito ay isang panibagong paglalakbay na naman ang aming sisimulan. Wag kang malulungkot kaibigan dahil gagawin namin ang aming makakaya upang makabalik dito." Ito ang mga binitawan kong salita sa bago naming kakilala at naiintindihan niya naman kami. Hangad niya ang kaligtasan ng bawat isa sa amin at nawa'y makarating kami ng ligtas sa dako paroon.



Bukod na pinagpala ang ating bansa dahil biniyayaan ito ng magagandang tanawin. At nakikita kong "Ang Dako Paroon" ni @shikika ay isang napakalaking hakbang upang ating ipakita at ipakilala ang iba pang nakatagong ganda ng Pilipinas. Isa itong pagkakataon upang ipakilala sa mundo ang yaman ng ating bansa; mapa yamang lupa, dagat o maging yamang tao pa yan. Nyahahaha :) Pero maganda ring makakita ng mga tanawin mula sa ibang bansa kaya samahan nyo kami sa dako pa roon.

Ay bago ko malimutan sa probinsya ng Sarangani to mga besh. Partikular na sa resort na pag mamay-ari ng may-ari ng aming school. Mga ilang oras na byahe rin galing Gensan bago nyo mararating ang probinsya.


U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

InShot_20180404_000456458.jpg


Maraming Salamat sa Pagbisita!

Sort:  

Awesome post. The only way to do great work is to love what you do. You have achieved that.

haha grabee ganda sis! love it!
ganda ng pics panalo!!! hahaha
ang haba ng lakbayin mo goraaa
maya ko basahin ulet na wendang ako ang ganda!
happy sunday sis

Thank you sis ... :)
Happy Sunday to you too !!!

Sis @jennybeans maraming salamat po sa pagdadala mo sa amin sa Saranggani. Napakagandang probinsya pati na mga Dora. 😀😀😀 Ang sarap ng pagkain iyong handa. Nakakataba ng puso ito'y iyong inilaan sa ating paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀😀😀
Mabuti naman kami'y iyong ibinalik sa pinas ng walang kahirap hirap. Hahaha
Saan na tayo nito tutungo pagkatapos sa Saranggani? Baka bumalik ulit tayo sa kabundukan. Hahahaha
Salamat sa iyong pagsama sa pagtuklas sa dako pa roon. 😘😘😘

Salamat rin sis... Masayang maglakbay patungo sa dako pa roon...
At ang pagbalik dito sa Pilipinas ay sadyang easy lang talaga sa akin.. Alam mo na, Wow Magic!!!
Nyahahahaha!!!

Para tayong mga ibon sa papawirin na malalayang nakakarating saan man natin naisin. Parang mga ibon na nakikisabay lang sa bawat pag-ihip ng hangin at pagkain lang ang makakapagpatigil sa atin Hahahaha.. Pagkain is layp pero dems pa rin tumataba hahaha :)

Punta tayong Mars next time. Hatid ko kayo dun taz balik ako agad sa Earth. I'll let you guys wander there, isama mo na rin si Richard mo. HAHAHA 😝😝😝

Wahahaha. Nakakatuwa maging malaya katulad ng mga ibon kung saan saan rin nakakarating at handang tuklasin ang dako pa roon.
Natagalan ka ata @jennybeans sa iyong ekspedisyon. Hahaha. Nakarating na kami ni @sunnylife sa Hilongos., Leyte dahil ky @yennarido. Wahaha. Saan ka pa naglayag?
Sabihan ko na rin si Richard na gusto mo siya isama sa Mars. Hahaha

You got a 1.18% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Napakaganda di lamang ang mga talata kundi pati ang mga muhka ng mga litratong kinuha. Ang lugar ako'y nabighani sa taglay din nitong ganda. Sana balang araw, ako nama'y nakarating sa kinaroroonan ng nasabing akda. Magandang umaga, kapatid na @jennybeans at binabati din kita ng masayang bagong linggo saan ka man sa panig ng mundo. ~@bloghound ~

Sana sis @bloghound... Nais ko ring makarating sa La Union dahil batid kong maganda ang mga beaches dun base na rin sa mga kuha mong larawan. :) Magandang umaga din sayo

Sis @bloghound sama ka na rin sa aming paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀 Mas masaya kung marami tayong maglalakbay. 😀

Hehe. Maraming salamat mga kapatid @shikika @jennybeans <3
Paano ba umpisahan and ating kwentuhan? Go lakbay tungo sa tagumpay :D

Ikaw na bahala sis @bloghound kung saan mo kami dadalhin. 😀 Dalhin mo kami sa La Union. 😀

grabeee ang ganda ng mga photos.
lalo na yong una parang photo album na dinikit dikit hehe
ang ganda nya sis sobraaa gusto ko yong puno sumabit den dyan
salamat sa tour ang ganda dyan. Nakita mo si Pacquiao? hehe

ganda mo sis:) gleng mo tlga. yong steemitserye part 2 labas na gora na
love expert sasakit bangz mo don hahaha
@jemzem

Thank you sis, parang family tree lang ganern hahhaha

Sige bibisitahin ko ang work ni @jemzem :) Pasakitan ng bangz ata ito... Hahaha

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jennybeans from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Ganda ng lugar sis!! May mababasa na naman ako na new edition ng magagandang lugar sa pilipinas...go go go!!!

Salamat sis... :)

Sama ka na rin sa amin paglalakbay @reginecruz. 😀 Magsama sama na lahat ng mga #steemitDora. Lols

Talaga nga namang ang saya ng paglalakbay na sinimulan ni @shikika. Nakakatuwa talaga't dinala n'yo kami sa mga lugar na hindi pa namin napupuntuhan. Isa itong tunay na masayang paglalakbay. Kahit sa larawan ay ramdam kong parang kasama n'yo na rin ako sa paglalakbay ninyo. Dahil isa akong galang pusa, gusto kong mapuntahan din balang araw ang mga lugar na naitampok sa paglalakbay patungo sa dako pa roon. Balang araw. 😊
Maraming salamat sa pagbabahagi mo sa Saranggani, @jennybeans. 👍

@jemzem lubos namin ikatutuwa kung makasama ka namin sa paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀😀

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.20
JST 0.038
BTC 96315.76
ETH 3565.22
USDT 1.00
SBD 3.90