Mga Kababayan. Samahan nyo kaming Magsulat at Tumangkilik ng sarili nating Wika dito sa Steemit -- ( Come with us to Write and Post in Native Language in Steemit )

in #pilipinas7 years ago

Patak kung tig-iisang bilangin, pero karagatan kung magsama-sama tayo
Community Steemit.png

Samahan nyo kami. Halina't magsulat tayo gamit ang ating Sariling Wika.

Ang hindi magmahal sa sariling wika daig pa ang hayop at malansang isda

Simulan na natin ngayon habang maaga pa. Magtulungan tayong magtaguyod ng isang malayang komunidad para sa mga Pilipino. Naniniwala akong ito ay isang magandang simula upang mapalago at mapabuklod tayong mga Pilipino dito sa Steemit. Maraming mga dahilan kung bakit at dapat nating simulan ang bagay na ito.

Narito ang aking dahilan :


1. Nagawa at ginagawa na ng ibang bansa ito at gagawin pa ng Iba

  • Pinakauna jan ang bansang Korea. Gamit ang hashtag na kr, ito ang pinakaehemplo ng malayang komunidad na nagtutulungan sa isa't-isa. Ang wikang ginagamit nila ay sa kanila (Korean), at dahil nakapagtayo sila ng komunidad na nagtutulungan ang bawat isa, hindi hadlang ang ibang lahi na hindi makaintindi sa kanilang mga sulat. Ang importante, malaya nilang naipapalabas ang kanilang mga saloobin at ideya gamit ang kalang wika. Ganito ang pangarap namin, makapagtaguyod tayo ng isang napakalagong komunidad na ang lahat ay nagtutulungan.

2.May mga Pilipinong mas nakakapagpahayag ng kanilang saloobin gamit ang ating wika

Hindi lahat ng tao maalam sa pagsasalita ng Ingles, mayroon ding mga Pilipinong mas naipapahayag nila ng maayos ang kanilang mga idea kung gagamit sila ng nakaugalian nilang wika. Isa itong magandang balita para sa ating mga kababayang hindi masyadong komportable magsulat gamit ang Ingles.

Gusto ko sanang ipahayag sa inyo na pwede tayong gumamit ng kahit anong linggwahe dito sa Steemit. Mapa Tagalog Bisaya Hiligaynon Maranao Tagalog Chavacano, at iba pa. Malaya tayo dito sa Steemit!

3. Magbigay Pag-asa sa mga kababayan nating kumita hindi pinalad mag-aral.

Isa sa mga pribiliheyong nabibigay ng pag-aaral ay ang pribiliheryong matuto ng wikang Ingles. Hindi natin maipagkakailang marami sa mga Pilipino ay hirap parin gumawa ng mga sulat sa Ingles sa kadahilanang ang pagsalin nito sa Ingles ay napakahirap gawin. Kaya ito ay napakalaking oportunidad para sa ating mga kababayan hindi pinalad na matutong mag-Ingles na kumita. Ito man ay napakapraktikal, pero ito ay realidad.

Simulan na natin ngayon kaibigan, at masaya kaming tutulong upang mas mapalago at mapabilis ang pagkilos na ito. Malapit nang matapos ang guidelines at eksayted na kaming ipalabas ang ideyang ito.

Kababayan! Maging isa sa mga indibidwal na susulong sa pagtangkilik ng sariling atin. Samahan nyo kaming gumawa ng malaya at malusog na komunidad para sa ating mga Pilipino. Paalala lang,

#pilipinas - ang gamitin nyong hastag kapag ang sulat nyo ay ating Sariling wika (Tagalog Bisaya Hiligaynon Maranao, atbp)

#philippines - ang gamitin nyo naman kapag ang sulat nyo ay Ingles.

Mumunting Paalala

Mas maiging gamitin ninyo ang hashtag na mga iyan para mas madali naming mga mahanap ang mga sulat nyo. Dahil diyan, mas madali nating makita ang mga sulat galing sa mga kapwa nating Pilipino.


Photocredit

Sort:  

This post has received a 0.63 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Salamat sa paalala. :)

Nakakatuwa maraming artikolo nagsilabasan na nasa lungyahe Tagalog. Ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng wika Tagalog kahit alam ko mahirap na magsulat sa puro Tagalog. Ipagmalaki ang sariling atin!

Yes I will! Salamat sa paalala @jassennessaj
Mabuhay! Ipagmalaki!
Mahalin! Buhayin!
Ang wika natin!

Sa pagbabasa sa iyong artikulong ibinahagi, naalala ko tuloy ang mga katagang binitawan ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal na “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”

Di ko lubos maisip kung bakit tayong mga Pilipino ay tumatangkilik sa banyagang wika at ito na rin ang basehan ng ilan upang masabi na sila ay matalino. Hindi ba nila alam na nakakasura at karimarimarin ang kanilang ginagawa.

Noted😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.24
JST 0.039
BTC 94308.59
ETH 3252.61
USDT 1.00
SBD 3.13