Mga Dapat Tandaan ng mga Baguhan sa Steemit

in #pilipinas7 years ago (edited)

woman-typing-writing-windows.jpg
Source: Pexels

Nung tayo ay sumali sa Steemit, maaaring tayo ay tuwang-tuwa dahil sa malaking kinita ng ating #introduceyourself na post. Subalit, pagkaraan ng ilang nga posts natin, maiisip natin, maliit na kinikita ng posts ko. Bakit kaya? May mali ba sa mga posts ko? Una, minsan nakadepende din sa ating mga sinusulat. Kaya laging pinapaalala sa atin ang Quality Content. Pag sinabi po nating Quality Content, syempre sakop nito ang buong laman ng ating post.

Mga Larawan

Paano naman ang mga larawan? Tandaan din po natin na pag ang larawang ginamit natin ay di atin, kelangan nating i-credit kung kanino or saan natin kinuha ang larawan. Merong ilang mga Public Domain sa internet na pwede nating gamiting mga larawan tulad ng Pixabay, Pexels, at ilang mga larawan sa Visualhunt. Paano naman kung ito ay galing sa Google? Maraming mga posts na ginagamit ay Google Images. Ngayon nasa sa inyo na yan. Tandaan po natin, ang Google ay isang search engine. Hindi yan Public Domain of photos. Maaaring gamitin natin ang isang larawan at kini-credit natin ang Google na kung saan ay may ibang nagmamay-ari ng larawan, hindi ang Google. Pag ginamit natin ang larawan para sa pagkakakitaan ay baka tayo ay mademanda sa hinaharap ng Photo Plagiarism. May nabasa akong artikulo tungkol sa Photo Plagiarism na inililathala ni @dmcamera.

Mga Blog Posts natin

Hindi kinakailangan na dapat tayo ay magaling magsulat sa Ingles dito sa Steemit. Tayong mga Filipino ay pwedeng magsulat gamit ang Tagalog, Bisaya, o anumang wika na kaya nating gamitin. Aaminin ko, di ako gaano karunong magsulat sa Tagalog at minsan ako ay natutuwa pag nakakabasa ako ng mga artikulo na ang gamit at Tagalog.

Isa pa, ang mahalaga ay ang laman ng inyong isinulat. Sa dami ko ng nabasa na mga inilathala ng mga ka-Steemians na Filipino, na bagamat di perpekto ang kanilang Ingles na isinulat, napakaganda naman ang laman nito. Napakaganda ng kwento na inilathala, na minsan ay pang-MMK, at daig pa nga. Biruin nyo, mas maganda pa nga kaysa sa mga pinapalabas ni Mam Charo, na minsan ay dinadagdagan na lang ang kwento para bumenta sa mga tao. Pero ang mga isinulat ay personal at totoong buhay talaga.

Mga tamang tags na ginagamit

Tandaan po natin na dapat gamitin ang mga tamang tag sa ating mga isinusulat. Ang ilan ay kung basta na lang gumagamit ng tag kahit ito ay iba sa tema ng kanilang inilathala. Mag-ingat baka kayo ay ma-flag sa paggamit ng maling tag ng mga nagpanimula ng tag na ginamit natin. Pero meron akong nakita na nagkomento sa isang inilathala na bakit meron tag na Philippines dahil hindi naman tungkol sa Pilipinas ang isinulat. Eto po, ang ilang mga tags ay community-based. Ginagamit natin ang #philippines dahil tayo ay Filipino at ito ay makakatulong para maging Trending ang #philippines at mas mapansin ng mga Steemians sa ibang bansa. Pag Tagalog naman ang ating isinulat, gamitin natin ang #pilipinas (pag Ingles naman ay #philippines). Kaya lagi nating tandaan ang paggamit ng tamang tag.

Mag-explore

Kelangan din nating mag-explore sa Steemit. Kung tayo ay matagal na sa Steemit, huwag nating pigilan ang iba na makapag-explore. Huwag tayong maging maramot kung tayo man ay lider sa isang grupo. Patibayin natin ang iba na magpatuloy sa pagsusulat. Gayundin, gamitin ang talento natin. Kung magaling tayo sa drawing, gawin natin. Tumingin sa mga Trending posts sa art, pag-aralan natin kung paano magsulat at gumawa ng drawing articles ang mga nasa itaas. Gawin nating inspirasyon ang paraan nila ng pagsusulat, at di naman natin kailangang gayahin. Tandaan, maraming mga manunulat ay may mga inspirasyon sa pagsusulat ngunit hindi nangopya. Anuman ang hilig natin, pwede natin isulat.

Marami pa tayong matutunan sa Steemit. Hindi man gaano mabilis tumaas ang ating reputasyon, pero ito rin ay tataas basta patuloy lang tayo sa pagsulat.



Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token.


Join the Voices Of The Underground by @beanz on Discord.


received_1763309057026303.jpeg

4271b833b83c82fb387af048155fe39e.0.png

Sort:  

0.05 lang first intro ko dito 😂
Buti bumuto si @blocktrades sa CASH OUT posts ko :-D
Ito pa lang highest posts ko dito:

thanks po s mgndang paala ala sir ipol

Napakagandang paalalala iylto lalo na at akoy msy mga ksibgan gustong sumali ngunit natakot noong sinab kong kung aari ay mg English tayo sa sa International community.Sa ngayon pwd ko na sasabihn na may bisaya pa nga...Salamat Siir @iyanpol12

Salamat sir @iyanpol12, may natutunan ako as newbie din :)

Nayswan, sir! :)

Thanks sa information nakakatulong ito sa katulad ko na baguhan.

astig tol...

Ty for this Sir Iyan.

Thank you po sa tip sir iyanpol...

You got a 4.00% upvote from @allaz courtesy of @iyanpol12!

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.27
JST 0.041
BTC 103494.73
ETH 3835.74
SBD 3.33