NOONG MGA PANAHON NA GANITO ANG PHONE KO.

in #pilipinas7 years ago

BlogPostImage
Nokia 5110 pinagkunan ng imahe

Bago pa dagsaan o napauso ang ibat-ibang model ng mga mobile phones. Ito ang isa sa mga naging uso no noon. Ang una kong naging cellphone na sabi nila deadly weapon hehehe. Akalain mo naman pwedeng pamukpok dahil sa tigas niya at baka huliin ka pa pagpasok mo sa isang mall. Parang mobile phone na gamit ni Batman dahil sa itim at may antenna pa. Pero ang kagandahan malakas makasagap ng signal kala mo ba.

Ang nakakatuwa pa ang battery niya aabutin ng ilaw araw bago ma-lowbat. Ika nga, Bateryang pangmatagalan! Parang motolite. Kung gusto ding maglaro aba! wag ka hahaha. di patatalo ang games na nakakatangal din ng stress. Mag snake kang mag isa hanggang kaya mo ang haba niya go ng go habang di pa ma-game over.

Saka dipa uso e-load at unli noon, cell card pa ang labanan! 300 pa sa panahon na yun. Ito pa Piso isang text buti nauso ung drop call, 5 seconds ka lang pwede magsalita tapos kelangan mo din ibaba. At para maka libre ka dapat mabilis ka. Pag nababagot ka naman aba! Lalo na sa mga nagbibinata na uso din ang text mate… pag tumonog cellphone mo at di naka phone book ganito minsan ang mabasa mo.
Hi! can you be my textmate?
Sagot mo naman, Hello, where did you get my number?

Sus! diyan nag uumpisa, ang iba may nagkakatuluyan ang iba naman nagkakalukuhan lang ang malala nagkasiraan. Minsan humantong pa sa di magandang pangyayari kaya ingat lang kaibigan. Maging sa ngayon sa social media meron pa ding ganyan mga taong mapagpanggap. kaya double ingat para di malinlang at maisahan ng mga taong gustong makapanloko lang.

Dahil sa pag unlad at umusbong ang makabagong teknolohiya. Kailangan nating pag-aralan at balansihin mabuti para alam natin kung ang hatid ay nanakasama o nakakabuti ba para sa atin. Kunting payo lang kaibigan, di talaga natin maiiwasan ang isang ebolosyon ng mga bagong phone at mga ibang kagamitan. Alam niyo din ba na di pa uso ang mga yan ay may telephone number din ang Diyos na pwede mo ding tawagan...
Jeremias 33:3 Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman.

Kaya ano pang hinihintay mo.. TAWAG NA!

Maraming salamat, hanggang sa muli

Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


(logo created by @bloghound)

Sort:  

Naku ha..hinde lang ikaw meron nyan! Me mas malake pa jan noh😁

hahaha. yun o ramdam ko di lang ako nag iisa sir @bayanihan. Salamat.

Old-school phone! I had those back in the early 2000's.

5210 na po ang inabutan ko. Maliit man pero pwede narin.

Tama si Lord walang email, walang cellphone atbp pero laging may signal at laging nakakausap. Di kailangan ng load at wifi.

boss @fherdz sakin 3210 worth 6K pa dati year 2001...hehe

motorola cp ko dati. pangkaskas ng yelo sa laki. hehehe

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 105128.43
ETH 3398.54
SBD 4.72