IBA'T IBANG GIMIK NG MGA PANGANGAMPANYA

in #pilipinas7 years ago

Dami na namang poster ng mga kandidato sa may kalsada pero buti nalang ito'y tinatangal na ng mga Pulisya. May ilang mga kandidato kasi na lumabag sa mga patakaran ng Comelec ukol sa paglalagay ng campaign posters. Bawal na kasi ang kung saan-saan nalang idikit ang mga poster nila. May mga designasyon mga dapat pag sabitan o paglagyan pero marami pa din ang mga matitigas ang ulo. Kaya ayan tuloy nasampulan na sila at hindi na umubra ang mga kalokohan nila.

BlogPostImage
pinagkunan ng larawan

Pag pumasok ako sa aking trabaho marami akong nadadaan mga poster ng mga kandidato. Nakakaaliw din minsan mag basa ng kanilang islogan. Dahil dito lumalabas ang kanilang pagka makata at naka sulat sa mga poster nila kasama ang mukha nila. Ang mga ilang nagawa nila at gagawin pa nila, mga platapormang nagpapabatid at nagpapamalas sa kanilang nasimulan at nagpapakila naman para sa mga baguhan.

Ganito ang mga ilang islogan nila.

BlogPostImage
pinagkunan ng larawan

Gagawin ko lahat para sa ating barangay.

Bawat tao pakikitungo ay pantay pantay.

Matapang na sulusyon, mabilis na aksyon.

Ang panalo ko ay panalo niyo tapat at handang maglingkod.

Mabait, matulungin , maalahanin, mapagkawang gawa,
mapaglasakit at madaling lapitan.

Ito'y ang matino, mahusay, maasahan at malinis na pamumuno.
Ibalik ang tunay sa serbisyo.

Patas at tapat serbisyong alay ni Pat(pangalan ng kanditato)

Iboto ang tapat, ibalik ang karapat dapat-dapat.

Galit sa kurap, tapat at maasahan, tungo sa pagbabago.

Madaling lapitan at maasahan.

Aba matindi to! Kunin ang pera iboto ang kursuda.

BlogPostImage
pinagkunan ng larawan

Ilang lang 'to, pero sana ay maging mapagmasid ,kilalanin at kilatisin ang mga kandidato sa ating mga barangay. Mapa SK man, Kagawad o para sa Kapitan. Dahil tayo din ang ma benipesyuhan balang araw. Sana nga ay hindi lang ngayong eleksiyon natin lang nalalaman na marami pala tayong kapitbahay na Mabait, Matulungin, Maalahanin, Mapagkawang gawa at Mapaglasakit . lol. Di naman lahat dahil may mga kandidato ding tapat sa pag lilingkod at may sinsiredad. Higit sa lahat ay may iba't ibang tayong prinsipyo, paniniwala, opinyon, desisyon at pananaw. Kaya kayo nalang ang humusga. Maraming salamat, hanggang sa muli.

Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


(logo created by @bloghound)

Sort:  

Awan talaga pagbaliwan nan hehe...isu ladtan nga isu.

adda met sir. jak lang ammo no nasayaat wenno kimmaro hehehe

May the best "kandidato" wins. Kasjay sa nga talagan :D

wen jay addo kuarta ken addo kabagyan na hehehe

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 97402.80
ETH 3477.48
USDT 1.00
SBD 3.19