ANG KWENTO NA ATING PAGNILAY- NILAYAN AT PAG-ISIPAN❤️

in #pilipinas6 years ago

BlogPostImage
Pinagkunan ng imahe:NTD Television

Magandang umaga sa ating lahat mga minamahal kong mga kabayan at ka-steemians. May gusto akong ibahagi sa inyo na napaka gandang kwento. Isang napakagandang ilustrasyon ng buhay, kahit kathang isip lang pero ito ay nagsasalamin sa tunay na kaganapan ng ating buhay. Isang kwento na kakapulutan ng magandang aral mula sa imahinasyon at lawak ng pag-iisip ng may-akda. Ito ay nabasa ko sa isang bahagi ng social media at nawa'y pag isipan natin at pag nilay-nilayan. Mang yaring basahin hanggang sa huling linya upang higit na maunawaan.

BlogPostImage
Pinagkunan ng imahedito

Nang nilalang ng Diyos ang kalabaw, sabi niya rito...
"ikaw ay magtatrabaho mula umaga hanggang gabi,
bubuhatin mo at kakayanin ang lahat ng ipapapasan sa iyo,
mabubuhay ka ng 50 taon"

Sagot ng kalabaw...
"masyadong mahaba po yung 50 taon,
pwede po bang 20 taon na lang?"

at sumang-ayon ang Diyos sa kahilingan ng kalabaw

BlogPostImage
Pinagkunan ng imaheNTD Television

Nang nilalang ng Diyos ang aso, sabi niya rito...
"ikaw ay magiging tagabantay ng bahay,
sunod-sunuran sa gusto ng iyong amo,
mabubuhay ka ng 25 taon"

Sagot ng aso...
"masyado pong mahaba yung 25 taon,
pwede po bang 10 taon na lang?"

at sumang-ayon ang Diyos sa kahilingan ng aso.

BlogPostImage
Pinagkunan ng imahepixabay

Nang nilalang ng Diyos ang unggoy, sabi niya rito...
"ikaw ay magpapalipat-lipat sa mga baging,
magiging katawa-tawa at nakakaaliw,
mabubuhay ka ng 20 taon"

Sagot ng unggoy...
"masyado pong mahaba yung 20 taon,
pwede po bang 10 taon na lang?"

at sumang-ayon ang Diyos sa kahilingan ng unggoy.

BlogPostImage
Pinagkunan ng imahepixabay

Nang nilalang ng Diyos ang tao, sabi niya rito...
"ikaw ang pinakamatalinong nilalang sa mundo,
magiging amo ng lahat ng mga hayop,
dodominahin mo ang buong mundo,
mabubuhay ka ng 20 taon"

Sagot ng tao...
"masyado pong maiksi yung 20 taon,
pwede po bang ibigay ninyo sa akin yung...
30 taon na tinanggihan ng kalabaw,
15 taon na tinanggihan ng aso,
at 10 taon na tinanggihan ng unggoy?"

at sumang-ayon uli ang Diyos sa kahilingan ng tao.

Mula noon, ang tao ay namuhay ng 20 taon bilang tao,

Nang siya'y ikasal,
siya ay namuhay ng 30 taon bilang kalabaw,
nagtatrabaho mula umaga hanggang gabi,
binubuhat at kinakaya ang lahat ng pasanin sa buhay,

Nang siya'y mawalay sa mga anak,
siya ay namuhay ng 15 taon bilang aso,
taga-bantay ng bahay,
at sunod-sunuran sa mga gusto ng mga anak,

Nang siya'y matanda at retirado na,
siya ay namuhay ng 10 taon bilang unggoy,
padalaw-dalaw at palipat-lipat sa mga bahay ng mga anak,
nagiging katawa-tawa para aliwin ang mga apo.

OfwGoHomeProject


Kathang isip pero nakaka-aliw ang kwento at higit sa lahat ay may katotohanan, hindi man lahat kaso at ng lahat ng tao o pagkakataon. Ngunit kahit sabihin man natin di totoo pero sa isang bahagi ay nasa katotohan at makahulugan ang kaganapan. Darating din ang araw na tayo ay tatanda at lilipas, magiging mahina at may pagkakamali. Kaya habang nadito pa tayo sa mundo pagisipan nating mabuti ang dapat gawin sa buhay natin sapagkat hiram lang natin ang ating buhay sa ating Panginoon.Maraming salamat, hanggang sa muli.


Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,.
-Genesis 1:26-27


Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


(logo created by @bloghound)

Ilocano ak, Proud nak.

@jhunbaniqued)

Sort:  

Ayos Bro. Realidad ng buhay...

At ako'y biglang napag-isip!

This comment was made from https://ulogs.org

hehehe salamat mam.

Nagmayat MPJ

Natawa po ako sa kwento. Pero napakaganda din po ng aral nito. Gusto ko po sanang mamuhay na parang isang pusa, iyong kuting. Para lalo pa akong magmukhang maganda at palaging naaalagaan.

hahaha. Maganda yang naisip mo @lingling-ph, Salamat sa muli.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 97402.80
ETH 3477.48
USDT 1.00
SBD 3.19