Ang Alamat ng Bulkang Mayon | Pag-iibigan nina Magayon at Panganoron

in #pilipinas7 years ago (edited)

26994111_1751673151544484_8346187452956320039_n.jpg
image source

Sa di nalalayong nayon ng Rawis sa Cabiculan, may isang kabigha-bighaning dilag na tinaguriang prinsesa Magayon. Maraming ang umiirog sa nasabing dilag sapagkat siya ay may magandang kutis. Siya ay anak ni Datu Makusog at reyna Dawani. Si Makusog ay pinapayuhan na makipag-isang dibdib na ang kaniyang anak na nasa tamang gulang na. Ngunit si Magayon ay wala pang nagugustuhan na mangingirog. Nais lamang niya magpakasal sa kaniyang iniibig.

Si Panganoron ay matapang na anak ni Datu Karilaya, isang Tagalog. Naglalakbay siya sa patungo kabilang nayon noong araw na naliligo si Magayon sa ilog. Sa di inaasahang pagkakataon, nadulas si Magayon. Nahulog ang dalaga sa malalim na parte ng ilog at napahiyaw nang malakas. Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron. Mabilis na tumalon sa tubig ang mandirigma para sagipin ang dilag.

Ang mandirigmang si Panganoron ay nabighani sa angking kagandahan ni Magayon. Ito'y kaniyang niligawan. Si Magayon ay nabighani na rin sa matapang na mandirigmang sumagip sa kanya. Di nagtagal ay ibinalita ang kasalan ng dalawa sa buong kaharian.

Subalit, mayroong hindi sumasang-ayon sa kasalan nina Magayon at Panganoron. Siya ay si Pagtuga, isang masugid na mangingirog ni Magayon. Sa iyang kasakiman ay binihag niya si Datu Makusog at hindi raw niya ito palalayain kung hindi siya ang makakaisang-dibdib ng dilag. Sa labis na pagmamahal ni Magayon sa kanyang ama, labag sa loob syang napapayag ni Pagtuga.

Tinungo ng dalaga ang kinaroroonan ni Pagtuga upang ipaubaya ang kaniyang sarili kapalit ang kalayaan ng kaniyang ama. Naabot ang balita kay Panganoron. Tinipon niya ang kanyang hukbo upang sagipin si Datu Makusog at ang kaniyang irog na si Magayon.

Isang mainit na sagupaan ang nangyari sa pagitan ng dalawang mangingirog ni Magayon. Nagwagi si laban si Panganoron, napatay niya si Pagtuga. Nasaksihan ito ni Magayon at dali-daling tumakbo upang maghagkan si Panganoron. Sa di inaasahang sandali, natamaan si Magayon ng ligaw na sibat sa kanyang likod. Bumagsak si Magayon bago pa siya nakalapit kay Pangaronon. Tinaga naman sa likod si Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Bago bawian ng buhay si Panganoron ay nagawa pa niyang hagkan sa llikuran ang nakahandusay na si Magayon. Nakita ni Datu Makusog ang nangyari sa magkasintahan. Sa kaniyang galit ay hinabol at pinaslang niya ang mandirigma ni Pagtuga.

Pagkatapos ng engkwentro, iniuwi ni Datu Makusog ang mga labi nina Magayon at Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang magsing-irog.

Makalipas ang mga araw, nakita ng mga tao sa kanayunan na ang pungtod ay tumataas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis tatsulok. Tinawag ito ng mga taong bayan na "Mayon" mula sa kanilang magandang prinsesang si Magayon. Pinaniniwalaan ng mga tao na ang pagdagundong at paglindol ay simbolo ng pagmamahalan nina Magayon at Panganoron."



video source



P.S
I made some rearrangements sa story, may mga versions kasi na hindi tugma sa iba. Ibinase ko yung narrative sa mga napanood ko sa Youtube at nabasa ko sa Google books. Then I collated it here. Marami kasing iba-ibang kwento. Heto yung may pinakamaraming pinagkapareho sa ibang versions.

P.P.S
Napansin ko dito na may Cebuano na pareho rin sa Bicolano. Ang yaman ng kultura ng maga Pilipino.
Nakaka-proud talaga.

Nakabantay ko ani ba, naa diay salita nga pareho ang Bicol ug Bisaya (cebuano). Lahi ra jud ang culture sa mga Pilipino. Maka-proud jud kaayu. (Ayy lang tagda ning translation sa tagalog, wala man koy mahuna-huna nga exact word)


GRACIAS


Recent Blogs
2018 Goals and Resolution
Things we do for love

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 90479.14
ETH 3094.57
USDT 1.00
SBD 2.93