Paano Ba Kumikita si Juan Steemian?

in #pilipinas7 years ago (edited)

Tanong ng Bayan: Ano ba tong Steemit na lagi ko nalang nakikita sa newsfeed ko at bakit masigasig silang ipromote ito? Scam to malamang.

Eng. Wrong. Ang Steemit ay maraming bagay pero hindi sha scam. Kasi unang una, hindi ka sisingilin at hindi ka magbabayad ng kung anu man para makapagsimula ka dito. Pangalawa, marami na tayong kapwa Pinoy na makakapagpatunay na kumikita talaga sa Steemit. Isa na ako sa mga yan, kasama nina @deveerei, @luvabi, @jeanelleybee at si @beng05. At maraming marami pang iba diyan.

Pero naiintindihan ko kung bakit madami ang may katanungan tungkol sa Steemit. Normal yan sa isang bagay na hindi natin naiintindihan. Kaya ibabahagi ko, sa abot ng aking makakaya, kung papaano nga ba kumita sa Steemit. Maraming paraan jan. Teka ililista ko lahat ng alam ko na.


Kumikitang Kabuhayan 1: Gumawa ng Blog/Post

Ito ang isa sa pinakamadali at malamang pinakapopular na paraan para kumita dito. Halerr. Blogging at social-media site kasi sha.

Ano ba ang pwedeng i-post? Marami yan. May mga nagpopost ng:
  • Larawan
  • Meme
  • Tula
  • Maigsing Kwento
  • Drawing, painting, at iba pang arts and crafts
  • Musika
  • Video Blogs
  • Simpleng paghahayag ng kung anu mang reseach o opinion sa isang bagay.

Hindi naman yan lang. Baka may hindi ako naisama sa listahan pero yan ang naisip ko agad. Papaano kumita dito? Pag nagustuhan ng ibang Steemians sa komunidad ang gawa mo, i-aUPVOTE (tulad ng 'like' sa Facebook) nila ang gawa mo. Mas marami at mas matimbang ang upvote, mas malaki ang kita.

Mga magkano ang kita sa pagpopost? Iba iba e. Dahil depende nga sa votes na makukuha. Pinapahalagahan sa komunidad ang original content kaya kung may larawan o kung may pinagkuhanan ng detalye, dapat nakalagay sa gawa mo ang pinanggalingan nito. Credits ba.

Kung hindi ka mahilig magkwento o gumawa ng blog post, wag mag-alala. May ibang paraan pa para kumita sa Steemit.


Kumikitang Kabuhayan 2: Magcomment sa Posts na Nabasa

Teka, linawin ko lang muna. Hindi ibig sabihin na kapag gumawa ka ng 10,000 comments per day e may malaking malaking kita ka na. Tulad ng sa posting, ang comments ay kumikita depende sa dami ng boto.

Iniisip mo siguro, Naku botohan naman pala, popularity contest ito? Hindi naman sa ganun. Sa totoo lang sa karanasan ko dito, basta nakikita na talagang binasa at pinagisipan ang comment, makakakuha yan ng upvote. Eto bigyan kita ng sample.

Rewards: Rewards (in SBD) of the corresponding comment
Votes&Replies: Total net votes & Total child comments(Replies)

Mula sa ulat ni @chinadaily na ito, naka 113 comments pala ako at $68 rewards diyan. Napaisip tuloy ako, mag-full-time commenter nalang kaya ako? Hahaha.

Pero seryoso nga, may mga comments ako minsan na mas malaki pa ang upvote value kesa sa blogposts. Ang sa natatandaan ko, $12 ang pinakamalaking nakuha ko sa isang comment upvote. Di na masama di ba.

Dito, panalo ang mga chikadora hahaha.


Kumikitang Kabuhayan 3: Sumali sa Kontes

Bilang isang certified kontesera, ansaya ko nung nalaman na may mga kontes din dito. Eto ang ilan sa mga nasalihan ko na.

May mga napanalunan na ko sa mga yan pero kahit wala, masaya sumali kasi lakas maka-drive ng creativity! O dahil ba sa prize kaya na da-drive? Hahaha. Eto sample ng pinaka-nakatuwaan ko sa mga gawa ko dahil sa kontes.

Maraming iba't-ibang kontes sa Steemit tulad ng *Photo contest, Singing contest (no joke ito), Poetry Contest. Short-Story Writing Contest, at mga kontes na pampasaya lang. Makikita mo ang mga ito sa tag na 'contest'.

Click mo yung icon ng picture mo o ng avatar mo sa upper-right corner ng Steemit page mo, tapos piliin ang 'Feed'.

Dadalhin ka nya sa home feed mo kung san makikita ang posts/ resteems ng mga finafollow mo. Sa kanang-bahagi nandiyan yung 'Tags and Topics'. Hanapin mo yung tag na 'contest' lalabas sa feed mo lahat ng mga ginamit ang tag na yan. Pero may ibang contest din tulad ng mga tags na may 'challenge', kadalasan kontes sila.

May ginawa dati si @jznsamuel na listahan ng mga pakontes dito, di ko lang sigurado kung lahat ba ongoing pa, pero check mo narin dito. Pero ang sigurado ko lalo pang dumami ang mga nagpapakontes dito.


Kumikitang Kabuhayan 4: Magbigay ng Serbisyo Kapalit ng Steem o SBD

Kung nasubukan mo na ang freelance work, parang ganun din yan. Marami dito na hihingan ka ng tulong sa 'expertise' mo para ipagawa ang ibang bagay na kailangan nila. Halimbawa kung web developer ka at may proyekto na nangangailangan ng ganito at swak ang skills mo, pwede ka nilang i-konsider na gagawa para sa kanila. Ang iba nagpapagawa ng logo, painting, tula, o maiksing istorya. Iba iba. Ang pinaka popular sa ganito yung Steemgigs na tinatawag. Kung ineresado kang may ipagawa, o kaya ay i-offer ang serbisyo mo, pwede mo silang hanapin dito sa discord mababait mga tao dun.

Minsan, whaleshares o kaya beyondbits ang ibinibigay sa gawa mo. Pero lahat ng ito magagawan ng paraan na maging PHP.


Kumikitang Kabuhayan 5: Curation

Ito ang isa pang kagandahan ng Steemit, pwede kang kumita sa 'Curation'. Ano ang curation sa steemit? Ito ang paghahanap, pag-upvote at pagresteem sa gawang de kalidad, na maaaring mag-trending. Ganito, halimbawa may nakita ka sa feed mo na bonggang article, binasa, inupvote at niresteem mo. Sa ginawa mong pagboto at pag-resteem may kita ka na.

Ang laki ng kita sa curation depende sa mga ito-
  • Laki ng Steem Power mo
  • Laki ng kita ng post
  • Timing ng pag-upvote o resteem

May mga factors pa dito malamang na di ko nabanggit. Eto ang makikita sa FAQ section tungkol sa curation:

Nosebleed ba? Hahaha, I know right? Teka subukan kong paliwanag.

Ang post reward ay hinahati sa ganito- 75% sa writer at 25% sa curator. So malinis na yung 75% sa writer. Ang 25% ng curator/s pwede pa mahati kung binoto ang gawa sa unang 30 minuto pagkapost nya. Ganito ang hatian kung binoto sa unang 30-minuto:

  • Kung kakapost pa lang upvote na, 100% mapupunta sa writer.
  • Kung sa 3-minuto pagkapost, 90% sa writer at 10% sa curator.
  • Kung 15-minuto, 50/50 sila. Hating kapatid.
  • Kung 27-minuto, 10% sa writer at 90% sa curator
  • Kung ang boto pagkatapos ng 30-minuto, 100% sa curator.

Subukan nating lagyan ng values. Halimbawa yung post kikita ng $40. Bale ang 75% nito sa writer agad, $30 yun. Ang natitirang $10 ganito mahahati:

  • Kung kakapost pa lang upvote na, $10 mapupunta sa writer.
  • Kung sa 3-minuto pagkapost, $9 sa writer at $1 sa curator.
  • Kung 15-minuto, 50/50 sila, tig $5.
  • Kung 27-minuto, $1 sa writer at $9 sa curator
  • Kung ang boto pagkatapos ng 30-minuto, $10 sa curator.

Nakakalito talaga ang Math nya. Basta ako ang mahalaga alam ang basics tapos basta kumikita. Hahaha.


Kumikitang Kabuhayan 6: Mag-invest sa Steem

Hinuli ko to kasi investment sya na maglalabas ka ng pera mo. Ang Steem ang cryptocurrency ng Steemit, na inaasahang lumaki ang halaga habang lalong nakikilala ang platform. Ako nakabili ng konting Steem nung $0.33 pa lang ang presyo ng bawat Steem. Ngayon mahigit $1 na, umabot pa sa $2 nitong nakaraan. Ibig sabihin, kung nakabili ka ng 303 Steem sa Php 5, 000 mo nuong $0.33 ang presyo ng Steem, naging Php 30, 300 sha kung binenta mo ang steem nung $2 sya. May disclaimer ako dito, hindi ako financial advisor, nagshishare lang.


Ayan, yan na lahat ng naiisip kong paraan pano kumita sa Steemit. Kung may naiisip kayo na di ko nalista, comment naman jan! Hehe.

Siya nga pala, kung di nyo pa nagagawa, supportahan natin at iboto bilang witness sina @cloh76 at @surpassinggoogle. Napaarami na nilang nagagawang mabuti para sa mga Pinoy steemian, at higit pang marami ang mga proyekto nilang ilalatag.

Punta lang sa https://steemit.com/~witnesses

Makikita sa baba na naiboto ko na sila, pero i-type mo lang sa box ang cloh76.witness at click mo yung 'VOTE' para kay @cloh76. Ang kay @surpassinggoogle naman i-type at vote ang steemgigs.

Follow at supportahan din natin ang @steemph. Proud akong sabihin na kasama ako jan. Try mong bisitahin ang @steemph page makikita mo ang adhikain ng grupo. Makikita mo rin dun ang ibang nailathala na ni @surpassinggoogle at @cloh76 sa mga nagawa at nais pa nilang gawin.

O siya, napakahaba na naman nito. Sana may napulot ka kahit papaano. Kitakits ulit sa susunod na post!

Image Source:1 2


Steeming happily ever after,

Dreamiely.PNG






Sort:  

Ang saya @dreamily. I'm sure babalik balikan ko tong post mo! :D di ko man nagets lahat sa unang basahan, ang importante, alam kong pwede tong pagkakitaan.

Yay salamat @eastmael! Gagawa pa ko ng ibang posts na ang goal e mas madaling maintindihan ang mga bagay ukol sa steemit.

If all of the team members will continue doing this, then in a very short time, everyone else will follow. Thanks for making this @dreamiely. Ganda ahhh. 😉

Oo nga. Tsaka pag marami ng sumusulat sa local language, tiyak mas marami pa maeengganyo na sumali sa steemit. Salamat sa pagsuporta. Patuloy nating isulong ito!

TAMA PO...IPAG PATULOY NATING I PROMOTE AND STEEMIT SA ATING MGA KABABAYAN...

BRAVO.jpg

Tama yan ipromote pa natin hehe

thank u tenk u!! dami kong natutunan!!!

Yay! Salamat din sa pagbabasa. Masaya ako pag nagiging kapakipakinabang ang mga gawa ko, masaya ang nakakatulong. Naway sama sama tayong umunlad dito sa steemit!

thnx, hinamay himayin ko pa, excited kong binasa eh. hehe

Nahimay mo na ba neng? Haha

nde pa ofw ang peg ngayon:):) pero babalikan ko tlga to:) thnx

Iba ka talaga @dreamiely. Winner! Permission to grab link and share to friends na naiwan na sa kabilang social media. 😉

Gow mem share away! Yan talaga ang pakay ko jan. The more visible this post is outside of steemit, the more people we will be able to help onboard the platform ^_^

Ano kayang mangyari kung lahat na sa steemit na rin and naglalaro na sa blockchain?

di pa curated lolsss kuya..

Ahay ang gandang thought nyan @juvyjabian! Nung late April ang total market capitalization ng buong cryptocurrency nasa $35B. Ngayon naglalaro na sa $135-$140B. Kung lahat pa e ganyan? Di ko na maisip ilang zeros ang madadagdag haha

Pero s palagay ko magkakaroon ng malaking epekto s ekonomiya ng bansa kasi malamang titigil n s pagtatrabaho ang nakararami kasi mas maganda kita s blockchain

Oo nga. Still andami pa ring walang trabaho dito satin. Mabilis mapupunan ang mga nawala :)

Salamat sa post mo @dreamiely. Mas naintindihan ko na ang mga kung ano-anong nandito sa steemit.😂😂 Nakaka nosebleed kasi yung english user guide😑 parang kailangan kung magbaon ng isang bucket ng english para makaintindi 😅.

@tsukikei, yay! Masaya akong nakakatulong hehe. Oo minsan mahirap talaga ang Englishmentness. Nosebleedment haha. Sana madami kang baon mga 5 buckets hehe

Talaga? Ofcourse, you were going to circumvent me but you suddenly remembered towards the end! This effort is something i have brought up in the past but it didn't sustain itself. Basically, the concern was audience and the truth is, apart from steemit, we have a large audience who use the search engines organically and posts in Filipino will help them feel at home. Though is extra effort, if was you, i would do a English-Tagalog in paragraphs and in the title too. That's a little self-sacrifice but it be "one stone killing all possible birds!"

Lol Terry, I intend to put a mention on every post I make going forward declaring my support to yourself and Chris. I did not forget you, oops I may have on my post 2 days ago.

I thought of doing an english translation but it is just too long! I'll do it on the next one though and see how it goes ^_^

Magandang aral to at maraming kang matutunan dito, pati ako naremind sa mga bagay na di ko pa alam, talagang tagalog na tagalog ha. para kang diksyonaryo ang hirap noon ah tlagang nagawa mong itranslate mabuhay ka @dreamiely. pasensya na sa upvote ko sentimo palang yan.

Haha taglish nga e. Sana madami pang ganitong posts sa steemit para di maintimidate na sumali mga pinoy na di komportable sa english hehe. Anu ka ba, MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT SASENTIMONG NAITUTULONG MO ^_^

We can have tagalog challenge with post. Filipinos are having hard in writing or speaking in pure Tagalog. Tangkilin ang wika atin!

Tama! Tagalog challenge accepted!

I dont speak Tagalok but I think you are talking about the writing contest in your community. Hehe..I hope you love what are you doing rigjt now. I pray.
Regard from Aceh, Indonesia.

Close call! It is actually on the Many Ways How to earn in Steemit- Blog/Post, Commenting, Joining Contests, Offer Your Services (steemgigs, etc) and Investing on Steem.

And I'm loving it! Posting in Filipino and seeing the response from it is awesome! All the best to you and to the Aceh community too @bahagia-arbi ^_^

Okey, have a nice day with family in Filipina..regard

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.033
BTC 92882.93
ETH 3112.41
USDT 1.00
SBD 3.04