Ang 'Starter Pack' ni Juan Steemian

in #pilipinas7 years ago

Kabayan! Bago ka dito? Yehey masaya yan, welcome na welcome tayong lahat dito. Di ko na tatanungin kung pano mo nahanap ang Steemit. Tayo pa bang mga Pinoy, e napakahilig natin sa social media sites. Yung totoo, ilan ang naka-install na apps sa phone mo? Hulaan ko, may Facebook, may Instagram, may Twitter, may Snapchat, at marami pang iba. Too many to mention ba. Kaya nga tayo natatawag na Social-Media Capital of the World. Napakaraming oras natin ang nalalaan sa social media. O baka dahil mabagal internet dito kaya matagal tayo naka online. Hahaha funny ko.

Pero ito ha, ibahin mo ang Steemit sa lahat ng yan. Walang kaparis ito oy! Baka sabihin mo exage ako, truths yan. Unique kaya to. May sarili nyang identity. Oo lahat sila social media sites, pero lahat may pagkakakilanlan. Dati pag inaaya ko ang mga kaibigan at kakilala na subukan ang Steemit, sinasabi ko na "Parang Facebook lang sha. Lahat ng ginagawa mo sa Facebook pwede mong gawin dito tapos pwede kang mabayaran para sa posts mo, or pag madaming likes, okaya pag madami shares at pati sa comments".

Napagisip-isip ko baka pala mali ang expectations na nasiset ko sa mga tao pag ganun.

Kasi, halimbawa no, kunwari lilipat ka ng bahay. Iba syempre ang nakasanayan mo sa komunidad na dati mong tinitirhan, tapos iba rin malamang ang mga bago mong makakasalamuha. Baka iba ang rules ng homeowners. Mga ganun ba.

Kaya eto naisipan kong gawin na i-share kung ano ang natutunan ko na sa apat na buwan ko dito. Sana makatulong sa Steemit journey mo.


Starter Pack Item 1: Alamin ang mga Bagay-bagay Ukol sa Steemit


STEEMIT

Malamang alam mo na to, para ito sa mga nagiisip pa lang kung susubok sa Steemit. Ang STEEMITay isang social-media platform na nasa blockchain na pinapahalagahan ang gawang de kalidad. Maaaring kumita ang mga post mo depende sa upvotes, resteems at comments. Pwede kang magpost ng kung ano ang hilig mo- musika, sining, pagkain, travel blogs, mga tula o kwento at kung anu-ano pa.

Steem, Steem Dollars at Steem Power (SP)

Saan nanggagaling ang kita dito? Mayroon kasing tinatawag na 'reward pool' na paghahati-hatian ng lahat ng posts. Ang parte mo sa hatian depende sa dami at laki ng upvote.

Ang bawat gawa mo may pitong (7) araw na posibleng kumita sya. Kaya may 7 araw ka na ikampanya ang likha mo, okaya ipagdasal na sana i-upvote ng iba. Hahaha biro lang. Ang totoo mapapansin at mapapansin ang gawa basta maganda. Maya na natin pagusapan ang tungkol sa kalidad ng post, kasi ramdam ko ang excitement mo sa 'kita' kaya balik muna tayo.

Ang bawat blog post ay pwedeng kumita ng Steem, Steem Dollars (SBD) o Steem Power (SP).

Steem - Ang Steem ang pinaka pera dito sa Steemit kumbaga.Available sya sayo anytime na may gusto kang paggamitan. Pwede siyang gawing Steem Power o ipalit sa Steem Dollars. Pwede mo ring syang i-trade sa ibang cryptocurrency tulad ng Bitcoin.

Steem Power - Ang Steem Power (SP) ang batayan ng impluwensya ng isang Steemian sa halaga ng kikitain ng isang post o komento. Mas maraming SP, mas mataas din ang dollar-value ng upvote o downvote ng mayari nito. Yun nga lang, hindi sya readily-accessible gaya ng Steem. Kung gusto mong mag "Power Down" at ibalik ang SP sa Steem, aabot ito ng labing-tatlong (13) linggo. Sa proseso ng 'Power Down', ang iyong SP ay mahahati sa labing-tatlong pantay na bahagi. Kaya kung may 130SP ka halimbawa na i pa-power down, tig 10 Steem ang makukuha mo bawat linggo.

Steem Dollars - Ang Steem Dollars (SBD) ay pera rin sa Steemit tulad ng Steem. Ang kaibahan lang, laging nasa $1 USD ang halaga nito sa Steemit platform. Pwede syang ipalit sa Steem o sa iba ang cryptocurrency.

Ayun nga, para kumita kailangang gumawa ng blog post. Kung nakagawa ka na, malamang napansin mo to:

AAA aaaStarterPackRewards.PNG

Ay, hindi lang pala malamang, siguradong napansin mo ito kasi sabi 'Rewards'. Nung una ko yang nakita kako, "Teka, bakit Default (50%-50%)? Ano to, may kahati ako agad??? Sino???" Hahaha, joke lang baka di mo na ituloy ang pagbabasa.

Eto seryoso na. Ganito yan, sa bawat gawa mo ng blog may pagpipilian ka kung pano mo gustong kumita.

Power-Up 100% - Ang buong kikitain ng post mo ay magiging SP. Ibig sabihin naka lock-in ng 13 linggo kung gugustuhin mong kunin. Pero ibig ding sabihin nito, lumalakas ang impluwensya mo sa Steemit ng wala ka ng aalalahanin. O di ba, POWER!!!!

Default 50%- 50% - Ang kalahati ng kita ng post ay magiging SP, ang kalahati naman SBD. Ang SBD ay maaari mo ng magami basta nasa wallet mo na.

Decline Pay-out - Kapag ito ang pinili, walang kikitain ang post kahit marami pa syang boto.

Ang pagpili sa kung alin sa mga ito ang gagamitin ay base sa kung ano ba ang plano mo sa iyong Steemit career. Gusto mo bang lumaki ang SP? O kailangan mong kunin ang kikitain para sa pang-araw-araw na gastusin? Basta isipin mo muna ano ang plano mo sa kikitain sa post bago pa pumili ng rewards model.


Starter Pack Item 2: Kilalanin at Magpakilala sa Katangi-tanging Komunidad ng Steemit


O di ba pak ang heading nito. Tagal ko pinagisipan, pano ba sa Filipino ang "Welcoming Community"? Kaso di ko talaga maisip kaya 'katangi-tangi' nalang. Mas bongga pa ang effect. Pero totoo nga na katangi-tangi ang komunidad dito sa Steemit. Kung mga nakakailang linggo ka na dito, malamang napansin mo na rin ang mga ito.

Malugod na Pagtanggap sa mga Baguhan

Bilib ako dito. Nung nagsimula ako sa Steemit wala akong kilala. Kaya ko to nalaman dahil "I was playing with 'em coins" sabi nga ng ka-labteam ni @purepinay. Nauna kong nalaman ang STEEM as a cryptocurrency. Nainteres ako tapos nalaman ko ang steemit. Syempre sign-up ako agad social media site e. Ang nakakatuwa jan, basta gumawa ka ng introduceyourself post, ang daming magwewelcome talaga sayo. Nakagawa ka na ba ng introduceyourself? Kung hindi pa madaming magagandang pwedeng kunan ng inspirasyon. Itong gawa ni @teamsteem magandang gawing gabay, klik mo ito para mabasa mo. Itong kay @jeanelleybee rin isa sa mga pinakamagagandang pagpapakilala na nakita ko, subukan mong basahin dito.

Sa aking pananaw, hindi naman kailangan na ito ang pinaka-una sa lahat ng ipopost mo. Tulad nga ng sabi ko sa isang naunang post ko dito, mas mainam kung nakapagpost ka na ng ilang gawa mo bago gawin ang self-introduction post. Meron kasing iba na binibisita ang page natin kapag nakita tayo sa ganyan. Sa mga unang post mo, wag mong asahan na kikita ka ng malaki. Pero ok lang yun, gawa lang ng gawa ng magagandang content kasi ito ang magsisilbing 'portfolio' mo, bawat taong sisilip sa page mo parang yang mga naunang gawa mo ang pagpromo mo sa gawa mo kumbaga.

Para sa akin, isa ang pagpapakilala sa sarili sa mga unang kailangan nating isulat dito, kasi maipapaalam mo sa ibang steemians kung ano ba ang hilig mo, ano ang aabangan sayo.

Bilang nakapagpakilala ka na, ang kasunod naman nito ay kilalanin natin ang ibang kapamilya dito a steemit. Makikilala mo sila base sa kanilang panulat.

Madaming paraan par mahanap ang mga steemit posts.

Punta ka sa Home, at makikita mo ang mga bagong posts ng mga taong followed mo. Ito bale ang 'Feed' sa account nyo. Sa New ang mga post ay nakaayos depende sa oras ng paglathala, ang mga pinaka-bago ang laging nangunguna, at angTrending kung saan dito makikita ang mga trending na posts sa oras na yun.

Magandang paraan para makilala ang iba dito ang pagiiwan ng komento sa mga gawa ng iba. Pero dapat nabasa talaga ang post para makapagiwan ng magandang komento na matatandaan ng nagsulat. Sa ganyan nagsisismula ang magandang relasyon sa komunidad.

O sya, hanggang dito na lang muna. Kung may tanong, koment lang, pagtutulung-tulungan ng komunidad na sagutin yan! Salamat sa pagbabasa, muli, ikinagagalak kong makita ka dito sa Steemit. Mabuhay!

AAA aaaStarterPackSalamat.PNG

Image Sources: 1 2 3


Steeming happily ever after,

Dreamiely.PNG



Sort:  

Hot! This is something we clamored for from day one. Salamat! A major reason for this is the search engines and appealing to Filipinos who use google organically. So it may not always be rosey as was the case in the past when it was tried but again self-sacrifice is essential in life!

Agree. Exciting days to come though with the collaborative work of everyone with the same goal! To help further, I will continue to write both in English and local language to encourage users who may not be as comfortable with English as we are, and show that writing in the local language is acceptable. Thank you for stopping by @surpassinggoogle!

If you include English translation, I would like to include you in my Resource List. Thank you for your help!

Thanks @inquiringtimes, I am humbled. I'll see what I can do with these older posts :)

Galing mo ah, ginalingan! I like your animation style.

Ang ganda po ng post mo.

Nakakatuwang malaman na madaming pinoy dito sa steemit ang handang tumulong sa mga baguhan.

I know na hindi kau magbabago at tutuloy tuloy nyo ang pagiging blessing sa mga kapwa.

Nangangako ako na kapag ako naman ang nandyan, tutulong din ako sa abot ng kaya ko.

Masaya ako at nakilala ko kaung lahat, lagi masaya sa chat room lol.

Salamat.

Ay nakakataba naman ng puso yan @rye05. Wala pa rin naman kami 'there' hahaha parepareho lang tayo ng kalagayan dito. Mejo bibo kids lang ang iba hahahaha. Batang promil. Lol.

Pero seryoso, tuluy-tuloy mo lang ang kasipagan mo sa posting it will go a long way. Pramis.

Maraming salamat ulit at masaya akong kasama ka sa paglago dito sa steemit!

paglago??bulaklak?haha

bawal po tumaba ang puso, high blood yan :-)

Kidding aside,

we're really thankful na andyan kau. Hindi toxic tulad ng ibang platform lol.

Opo, ung tuloy na tuloy na posting eh sa inyo kong lahat natutunan. Ung first 2 weeks ko hirap, kala ko wla mangyayari, buti nakita ko ung chat room sa discord kaya ayan naging masaya na at nakakakita na ako ng liwanag.

I will be forever be grateful to you guys.

Ay naku mataba na yata ang puso ko :$ pero di pa naman highblood lol. Tuling tulong tayo dito ganyan lagi. Masaya ang umuunlad, pero mas masaya pag marami kang kapwa na kasama sa pagunlad :)

Tama ka dyan @dreamiely,

Sabi nga ni Zig Ziglar

You can get everything in life you want if you will just help enough other people get what they want.

Ang pagtulong sa kapwa ay makakatulong din sa iyo.

Cheers.

Ay..bawal kahet kapiranggot na banyaga daw??

Geleng-geleng...me nagbasa kaya ng buo nyan??

Hehehe ginalingan masyado po

Yay!!!!! Ako'y lubos na nagagalak. Maraming salamat!

Keep 'em goldfish sober!!!

Hahaha malamang ikaw lang ahahaha.

grabeh. si cheetah pa.

Grabe sha oy cheetah free ako since birth!

Binasa lang naman nya bes. Di ka naman ni flagged. Lol

Ay mana po ako sa kagalingan nung @luvabi po. Ate ko po yun mas matanda ng buwan sakin. Nyahahaha

ahahaha thank so much friend <3

ayan na cornholio ka tuloy :P

Sino ba yan? i got one before too hehe

hahaha surprise daw yan, swerte yan sa mga post

Oh yeah? Who said so lola?

Panong swerte hahaha

Hahah jk lang.nang magkaron ng kabuluhan ang pinaggagawa nya parateng post na lang natin.sipag nya mangtroll.

Mana mana ba.. ke momi bear or lola imma???

From both equally beautiful godparents of course! Hahaha

Ay thank you @immarojas! Magpapapopquiz ako mamaya kaya basahin nyo na utang na loob. Hahaha. Ay may 7 days pako magdasal na tumaas upvotes. Lol.

Pero ito seryoso, masaya ako pag nakakatulong sa iba ang post ko. Yung 'how to convert steem to php' post ko isa yun sa pinaka proud ako kahit na $1 lang tata kinita haha. Kasi dami views. Tapos hanggang ngayon may panaka-nakang comments at upvotes sha kasi nakakatulong daw. Kaya....

DREAMIELY PARA SA SENADO!!!

Hahahaha

That post will take you to heights lola..not sa senado. Helpful post do that. So sulat ka pa more!!

take you to heights...

Immediate thought: So high that I can almost see eternity... you needed me... you needed me...

Hahaha aminin mo napakanta ka rin! ^_^

Nag-isip po kung wat yan pinagsasabe mo nyahahaha

Ahahahaa talaga ba. Dont me!

Ay honestly..slow ang lola mo ahehe

Ako po! Ako po! 😉

Hahaha lakas maka-Hermione @arrliinn. Salamat ng madami ^_^

P.S.

Ganyang ganyan ako nung elementary pag may question si teacher. Hahaaha

Yung tipong pa-bibo! "Miss! Miss! Meeeee!!!"
Tatayo pa yan. Hahaha

Mga ganyan inaalaska namen ahahaha, teachers pet ang dating lolsss

Ay grabe sha! Hahaha, yan nga ganyan nga ako talaga "Ma'am! ma'am! ma'am!" Lols

Mga nerds ganyan ahehehe

Aray ku po! Busibusina naman tinamaan kami ni @luvabi sa nerds! Hahaha

Bookmark ko ito para sa future na mapapasasign up mabuti ng tagalog ang explanation. Salamat @dremiely

Yay thank you din @monkeypattycake! Masaya ako pag madami natutulungan ang posts ko. Truths yan walang charing hehe.

ang gleng gleng naman, d ko alam na ganon kagleng magtagalog lols:)

thank you @dreamiely, very informative, bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko....kung ano anong spam ang sinulat ko nong una na nawawala ako steemit lols kahit binaligtad na ang dapat baligtarin lols
madami pa den akong nde alam, pero baby steps lang keri yan!

"steemit is not a sprint, it's a marathon"

Salamat at Mabuhay!

Hahaha para namang hindi tayo sa tagalog naguusap neng hahaha. Salamat sa pag appreciate, pag may mga tagabundok o bukid na makiki steemit pakita mo to agad hehe

hahaha ang daming tagalog kaya non nde ko inakala haha.
thanks sa effort:) naimbita ko na mga taga bukid kzo mas gusto nila sa palayan na lang daw cla at manghuli ng kuhol.

Kamo pede pa rin naman silang manghuli ng kuhol! While they're at it take photos then tell the story in steemit after. O di ba win-win!

hahaha pede pede kzo wa internet sa kagubatan d ganon kabilis baka loading abutin madaling araw.. :(:(

Ay yun lang hahaha. Makapaglagay nga ng cell site sa gubat para pede globe tattoo or smart or sun wifi

hahah pede pede, someday patayo nga ako ng library don kz wala den haaaist

Ay library project daw o @deveerei! Gusto rin nya gawin yan. Pagusapan natin sa discord yan pag may oras na magkatagputagpo tayong lahat dun, baka makatulong ang @steemph sa pagkasatuparan ng layunin mo :)

gif pala haha antok lang lol

Lalim! 😂 Yung ilong ko LOL! 😂😂😂

Very casual lang kaya @erangvee. Lol. Funny how Filipino is nosebleed for some, and English is nosebleed for Pinoys. Equality is real. Hahaha

True that! I attempted once, like ko ibato and cel ko lolsss

Di ba! Challenging sha ng very very light.

For future references, if you ever have the urge again to throw your phone, paki lagay nalang sa box dm ko sayo address ko ahahaha. Sayang!!!!!

Ayaw..ganda camera ng S7

Ganito nalang, may magandang magandang offer ako sayo. Straight swap ng old s7 mo sa brand new still in a box cherry mobile phone na bibilhin ko palang pag pumayag ka. BRAND NEW! What are you waiting for!!!!

My frend need a phone when he do his travel. Yan ba recommended mo?
Pero u know, ganda talaga ng S7 ahahaha

Hahaa nang inggit pa. Yung sa ex ko s6 edge 6months nabasag screen wahahahahaaahahaa

This is so true! HAHAHAHA. Malala lang talaga ako. 😂 LOL

Hahaha best in englishmentness ka kasi! Hahaha

Ahahaha..binoto mo ba lola??? Mag-isip-isip ka ahahaha

Sa senado ba ito? Lol

hahaha binoto ko pa din. #supportive eh. 😂

"I was playing with 'em coins" sabi nga ng ka-labteam ni @purepinay. - sino eto???

Hmmm... nang intriga? Pero naisip ko rin bat hindi naman na-mention. Refer to lang? Hehe

Nabanggit pala sa discord lol

Hahaha assuming kasi ako mem baka mali pala kaya wit na sa pagnamedrop! Hahaha

Naakalagpas sa akin yun.. hindi na lang ako.matutulog kagaya ni @dreamiely para up to date

Hahaha sleep is for the weak! Tsaka narinig ko rin 'The Rich Never Sleeps' daw. Di naman ako rich, so simulan ko sa Never Sleeps part malay mo sumunod yung 'rich'. Haha

The Rich Never Sleeps.

I do not sleep. Therefore, am I rich?

😱😱😱😵😵😵

Hahaha jowk jowk jowk lang ata

Hahaha rcarter yata yung id. I assumed based sa comment ni @purepinay sa resteemed post nya. Check her wall for more details lol.

ahhh niceeee kilig

I-Powerpoint na to! Hehehe galing!

Thank you @shellany! Mas magaling ka hehe. Dapat pala binanggit ko rin ang intro post mo, most creative one! Many faces on the stages of learning about steemit hehe

Uy wag ka! Idol kita sa pagtrade ng cryptos! Paturo naman dyan! hehehe

Been waiting for this! Thank you so much @dreamiely for sharing!
naks bagets style so love the design! <3
keep it up!
xoxo

Thanks @purepinay! Binabagayan ng maturity ang graphics hahahha

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 96923.38
ETH 3370.74
USDT 1.00
SBD 3.55