Mamamaya'y Nalilito, Ano Ba Talaga Ang Nangyari Noong Dekada '70?

in #pilipinas6 years ago (edited)

Mamamaya'y nalilito, ano ba talaga?

Mga ilang araw na nakalipas, iginunita ang anibersaryo ng Martial Law. Isa sa mga deklarasyon noong dekada '70 sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos.

marcos-martial-law-new.jpg
Source

Ang Martial Law ay isang deklarasyon ng isang presidente na nagbibigay kapangyarihan sa Arm Forces of the Philippines na mang aresto ng mga "hinihinalang" kriminal kahit na walang warrant of arrest. Ito ay pinaniniwalaang batas na ikinikasa sa tuwing nalalagay sa peligro ang isang bansa.

Kasama sa batas na ito ang curfew hours sa lahat ng edad. Dito ay ipinagwawalang bisa din ang batas sibil at batas ng pangkarapatan.

Ako ay ipinanganak ng dekada '80 at hindi na inabutan ang deklarasyon ng Martial Law. Ngunit sa aking pag-aaral mula elementarya hangang kolehiyo ay sinasabi na ang deklarasyong ito ay hindi makatarungan at marami ang napahamak, kaya naman simula noon ay hindi na maganda ang pagtanaw ko sa diktador na presidente ng Pilipinas.

Ano ba ang mga nangyari noon?

Akin pang naaalala, wika ng aking namayapang ama, na maganda ang ekonomiya noong panahon sa ilalim ng liderato ni Marcos. Noon ay pantay lamang ang palitan ng dolyar at peso.

Sa aking ala-ala, ang isang dolyar ay dalawampung piso ang katumbas. Yoon ay dekada '80, kaya hindi ko 'rin masabi.

Wika ng aking ama na marami ang nahuhumaling sa bansa dahil sa ganda ng ekonomiya at kapayapaan nito ngunit ano'ng nagyari noong idineklara ang Martial Law ?

Epekto ng Martial Law

Ayon sa mga kwento at babasahin, iba-iba ang epekto nito. May mga pumabor at may mga nadehado.

Sa panahon ngayon, wala na yata ang nabubuhay na umabot sa panahon ng deklarasyong iyon, bagkus karamihan ay hango na lamang sa mga pinagsalin-salin na mga kwento.

Sinabi sa ng iba na marami ang nangamatay sa panahon ng Martial Law, magulo daw ang pamumuhay noon. Ang mga mamamayan daw ay nakakulong sa sariling bansa. Na sya ring naging dahilan ng paglisan ng iba patungo sa ibang bansa.

images (1).jpeg
Source

Pagkitil sa buhay o salvage ang isa sa mga ito na sinasabing marami ang naapektuhan. Ang iba ay sinasabing kapag kalaban ng administrasyon ay siguradong sa lib-lib na damuhan ang hantungan. Kasama rin dito ang panggagahasa sa mga kababaihan ng mga sundalo. Sinasabi rin na ginamit ng mga nasa posisyon ang kanilang kapangyarihan upang mawala ang kanilang mga kalaban at makuha ang pangsariling naiisin.

Marami sa panahon ngayon na nagnanais pa rin makamit ang hustisya ng mga hindi magandang kaganapan sa kanilang kapamilya na nabuhay sa panahon ng Martial Law. Marami pa rin ang nagluluksa. Ngunit marami rin ang pumapabor at naggugunita sa "kagandahang" dulot ng proklamasyon.

Bukod sa mga pangit na pangyayari noon, marami rin ang nagpapasalamat. Nagpapasalamat dahil noon daw ay payapa ang pamumuhay. Walang takot na bumabalot at walang pag-aalinlangan ang paglalakad sa kalsada dahil sa seguridad na ipinamalas ng mga sundalo at nasa posisyon.

Marami ang umasenso dahil sa maayos silang nakakapagtrabaho. Maraming negosyo rin ang umasenso na nagdala rin daw sa pag-asenso ng bansa.

images (3).jpeg
Source

Sinasabing maraming dayuhan ang namuhunan sa mga negosyong pag-aari ng mga Pilipino noon dahil sa 100% na seguridad ng bansa. Ngunit hindi raw dapat dayuhan ang higit na nagmamay-ari ng isang negosyo. Sinasabi rin na mababa ang krimen ng panahong iyon.

Ngunit,

Ano nga ba talaga ang epekto ng Martial Law noong dekada '70 sa ating bansa.

Noong biyernes, Setyembre 21, 2018, iginunita ang anibersaryo ng Martial Law. Kaliwa't kanang protesta ang naganap sa buong bansa. Protesta ng hindi pagtanggap sa kaganapan noon, at protesta ng pagpabor.

Iba't ibang patalbugan at patutsadahan ng magkabilang partido. Ngunit ang nakababahala rito ay, karamihan ng nagprotesta ay pawang mga hindi pa nabuhay noong dekada '70. Hindi man lamang noong dekada '80.

Mga mamayang hindi personal na nasaksihan ang mga pangyayari noong Martial Law. Tulad ko, sa mga kwento at babasahin lamang din nalaman ang patungkol dito.

Totoo na sa panahon ngayon ay hindi pa rin natatapos ang pagtatalo tungkol sa kung ano ang tama. Sa social media lamang ay may mga larawan na nagsasabing yoon daw ang totoong pangyayari. Ngunit hindi pa rin natin alam.

Sa akin lamang pananaw, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natin nasasabing maayos na ang kalagayan ng ating bansa. Marami pa rin ang nasa magkakalabang grupo sa kabila ng parehong mga nasa pamahalaan.

Imbes na tayo mismo, na hindi nakaabot sa panahon ng Martial Law ang magtalo, bkit hindi na lamang natin pagtuunan ng pansin ang kasalukuyan at gawing makakatotohanan ang mga sinasabing kagandahan noon, at iwasang mangyari ang mga pangit na kaganapan noong Martial Law ng dekada '70.


tenor.gif
Tenor

Sort:  

Ang ganda ng PoV mo rito Vin. Walang bias. Hindi maka-Marcos, hindi maka-Aquino kundi makabayan, maka-Pilipino, maka-Pilipinas.

Agree ako. Maganda ngang alam natin ang nakaraan pero dapat mas pagtuunan ng pansin ang kasalukuyan at ang kinabukasan ng bayan.

Salamat Enil. Sa totoo lang, hindi ko lang kasi maintindihan ang mga nangyayari sa bansa natin. Bakit ba ang hirap makamove-on ng mga kababayan natin. Sadya ba ganoon tayong mga pinoy, kaya pati sa mga ex e hirap makalimot. Sa sobrang pagmamahal natin hindi na tayo makabitaw sa nakaraan. Bkit hindi na lang ayusin ang kasalukuyan. Tama ka na dapat na alam natin ang nakaraan pero hindi para manatili na lamang doon. Sa mga nangyayari ngayon, sa paglaban sa kung ano dapat ang nangyari noon, hindi malayo na maulit lamang ang mga sinasabing kapangitan noon. Ng dahil sa kagagawan na rin nating nasa kasalukuyan.

Upvoted.

DISCLAIMER: Your post is upvoted based on curation algorithm configured to find good articles e.g. stories, arts, photography, health, community, etc. This is to reward you (authors) for sharing good content using the Steem platform especially newbies.

If you're a dolphin or whales, and wish not to be included in future selection, please let me know so I can exclude your account. And if you find the upvoted post is inappropriate, FLAG if you must. This will help a better selection of post.

Keep steeming good content.
@Shares - Curation Service

Posted using https://Steeming.com condenser site.

Hi, @davinsh. I'm a bot. It looks like you may have unclaimed rewards.

The Steem network rewards users for making posts and comments, and for voting on posts and comments. These rewards go into your rewards balance. Currently, you have 3.726 Steem, and 3.727 Steem Power in pending rewards.

You can claim your rewards by visiting your wallet page.

Just reply to this comment, if you need any help.
Don't want to receive these messages? Just reply, asking.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 101666.04
ETH 3693.34
USDT 1.00
SBD 3.13