ADOBONG MANGGA: Pagkaing Pampagana

in #pilipinas7 years ago (edited)

Magandang buhay sa inyong lahat! :)

mango.jpg
Pinanggalingan ng imahe

Simula na naman ng tag-init dito sa Pilipinas. Dahil rito, panahon na naman ng maraming bunga ng isa sa mga masasarap na prutas, ang mangga. Itong prutas na ito ay isa sa mga paborito kong prutas kahit hindi panahon ng tag-init. Kaya naman ay sumubok kami ng eksperimento kasama ang aking pamilya kung ano ang masarap na gawin sa mangga bukod sa isawsaw sa asin at bagoong. :)

Nais ko lang ibahagi ang isa sa mga paborito namin ng aking pamilya na pagkaing pampagana. Narinig nyo na ba ang adobong mangga? :)

Tinawag namin itong adobong mangga sapagkat ang pandagdag pangpa-lasa na inilalagay sa mangga ay katulad rin halos ng pangpa-lasa na inilalagay sa pagluluto ng Adobo. Ang mga pangpa-lasang ito ang ang: toyo, suka at asukal. Bagamat ang tunay na luto ng adobo ay nilalagyan ng bawang, ang paggawa ng adobong mangga ay hinidi nilalagyan ng bawang. :)

30421516_2168107419883102_1310652461_n (2).jpg

Para sa mga kapwa ko Piliino na nais subukan ang pagkaing ito, sundin lamang ang pamamaraang ito:

  1. Tadtarin ang hilaw na mangga sa maliliit na hiwa at ilagay ito sa isang plato o mangkok.
  2. Lagyan ito ng 4 na kutsarang toyo, 2 at kalahating kutsarang suka at 1 at kalahating kutsarang asukal.
  3. Haluin itong maigi.

*Tikman at maaaring dagdagan ang timpla nang naaayon sa inyong sariling panlasa o kagustuhan. :)

Kapag sapat na ito sa inyong panlasa, maaari ninyo na itong ihain sa pamilya. Mas masarap ito kainin bilang "appetizer" o pampagana sa tanghalian o sa hapunan. :)

Sa mga gagawa ng recipe na ito, sana ay magustuhan ninyo itong ibinahagi ko sa inyo. :) Maraming salamat sa inyo! :)

27999973_1832726603404220_360756316_o.jpg


steemitfamilyph.jpg
I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link

Sort:  

Hmmm kakaiba siya parang ang hirap sumubok ng pagkain na hindi pamilyar. Pag mura nalang siguro ang manga pwede na. Medyo mahal pa ang kilo sa amin.

adobong mangga???????? ngayon ko lang narinig yun ha.

Masarap @rigormortiz subukan mo :)

sige ma-try nga.. gawa ka rin barbeque na mangga haha

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.26
JST 0.043
BTC 98728.13
ETH 3636.70
USDT 1.00
SBD 2.81