25 letters beffore I leave Cebu, before I leave you

in #philippines7 years ago (edited)

PicsArt_06-01-11.17.17.png

June 1, 2018 (10:48pm)

Hi, this will be my first letter to you. Gusto ko sanang isulat 'to in Bisaya kaso mag aadjust ako para sa readers. Hahaha.
I am planning kasi to let you read all of these letters on the very first day na wala na ako sa Cebu. (MagpapaManila ako for 2 years para sa job sa pinangarap ko. )

So here, it has been a week ata mula nong nag communicate tayo ulit? Or 2 weeks na nakalipas. Ayun, gusto ko lang magpasalamat kasi despite sa 2 months na super hindi mabuti kong pakikitungo sayo, di ka pa rin nag give up. Sorry coz I really admit na sobrang harsh at hard ko sayo na kahit mga salitang di mo deserve, binitawan ko :( trust me, sobrang guilty ako ngayon kasi ngayon, wala kang ibang ginawa kundi mahalin parin ako. You showed me the real meaning of "I WILL NEVER GIVE UP ON YOU". Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yon, kasi ikaw naman talaga ang ipinagdasal ko eh. Oo, syempre ayoko din malaman mo to ngayon kasi alam mo na, baka kumapal pa yong atay mo dyan hahaha!
Sobrang bait mo, ni isang beses hindi ako nakarinig ng masasamang salita mula sayo. Ni hindi ka nga nagmura sa harapan ko eh. Nahihiya tuloy ako kasi dba, minsan pag nagsasalita ako, na ke-carried away ako. Huuuu. Bat ba ang bait mo ha?
You know what, this is the very first time na may nag treat sakin ng ganito. Yung mahal na mahal ako kahit anlake na ng bilbil ko, ng braso ko, kahit napaka boyish ko, kahit super moody ako at eventhough I already took you forgranted.
I know we started dating last January, pero natigil after four months dahil sa kaartehan ko. Sorry, pinairal ko talaga pagkababae ko eh. First time kasi na may nagtreat saken ng ganito pero d naman ako nag take advantage sayo. Para lang talaga akong aso na nakalabas sa kulungan at nailabas ko yung pagkababae ko. I was trapped by being boyish and this is the very first time in my life that someone treated me as a girl. Kaya sorry talaga kung pati yung pagka moody ko, sayo ko din nailabas.
Nope, hindi ako nagbago. Ako pa din yung "hopeless romantic" na sinayangan nilang lahat pero di ko na muna yan ipapakita sayo :)
I know i've been the very cold person, the unexpressive one, the "blank" person everytime you tell me cheesy lines, that ewan person whenever we're together but, hindi mulang alam, kinikilig na yung mga bulate sa tyan ko :)
Oo, hindi pa ako nakapag "iloveyou" in person sayo haha pabebe din kasi noh? Pero eto teaser ko, haha
Sa tuwing pinapasakay moko pauwi, bumubulong ako ng. . . . .hahahaha wala!
Wala pang iloveyou wagka excited. Haha
Basta mag ingat ka lang :) kasi mahalaga ka saken.

-Pam

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 98656.44
ETH 3524.63
USDT 1.00
SBD 3.25